Katutubong paniniwalang panrelihiyon ng mga Tagalog

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang mga katutubong paniniwalang panrelihiyon ng mga Tagalog (minsan ay tinutukoy bilang anitismo,[1][2] o sa hindi gaanong tumpak, gamit ang pangkalahatang terminong animismo) ay mainam na naidokumento ng mga misyonerong Espanyol, [3] karamihan ay nasa anyo ng mga epistolaryong tala (relaciones) at mga tala sa iba't ibang diksyunaryong pinagsama-sama ng mga misyonerong prayle.

Ang arkeolohiko at linggwistikang ebidensya [2][4][3] ay nagpapahiwatig na ang mga paniniwalang ito ay nagmula sa pagdating ng mga Awstrones,[1][5][3] bagaman ang mga elemento ay kalaunan ay sinkretistikong inangkop mula sa Hinduismo at Budismong Mahayana.[3] Marami sa mga katutubong paniniwalang ito ay nananatili ngayon, sa mga sinkretikong anyo na tinalakay ng mga iskolar bilang Pilipinas na baryasyon ng pambayang Katolisismo at Islam.[6]

Pag-aanito: "pag-alay" o "akto ng pagsamba"[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dahil sa mga limitasyon ng wika at ng personal na pagkiling ng relihiyon, kadalasang tinatala ng mga tagapatala ng kasaysayang Kastila ang iba't ibang interpretasyon ng mga salitang Tagalog sa pagsamba. Ang salitang anito ay isa sa mga salitang ito na may magkakaibang tagasalin. Tinanda ni Scott[3] na muling sinalin ng mga misyoneryo sa kalaunan ang salita upang ipakahulugan bilang "lahat ng diyus-diyusan", kabilang ang mga diyos ng gitnang silangan na binanggit sa Bibliya, kung kailanman sila sinasama sa kanilang mga homiliya. Bilang resulta, sa makabagong panahon, ang salitang anito ay ipinakahuligan na ngayon bilang iba't ibang pigurin o "diyos-diyosan" na kinakatawan ang mga diyos na Pilipino. Bagaman, ang mga salitang Tagalog para sa mga ganoong representasyon ay larauan.[3]

Sa diksyunaryo niya noong 1613 na Vocabulario de la lengua tagala, ipinaliwanag ni Prayle Pedro de San Buenaventura:[7](p361)

More appropriately would it be called an offering because "anito" does not signify any particular thing, such as an idol, but an offering and the prayer they would make to deceased friends and relatives... [or] an offering made to anything they finished, like a boat, house, fishnet, etc., and it was mats, cooked food, gold, and other things.

Mas angkop kung tawagin itong isang pag-aalay dahil ang hindi nangangahulugan ang "anito" ng anumang partikular na bagay, tulad ng isang diyus-diyosan, subalit isang pag-aalay at ang panalangin na kanilang gagawin sa mga namatay na kaibigan at kamag-anak... [o] isang pag-aalay ginawa sa anumang bagay na natapos nila, tulad ng bangka, bahay, lambat, atbp., at ito ay banig, lutong pagkain, ginto, at iba pang mga bagay.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. 1.0 1.1 Almocera, Ruel A. (2005). "Popular Filipino Spiritual Beliefs with a proposed Theological Response". In Suk, John (pat.). Doing Theology in the Philippines. Mandaluyong: OMF Literature. pp. 78–98.
  2. 2.0 2.1 Demetrio, Francisco R.; Cordero-Fernando, Gilda; Nakpil-Zialcita, Roberto B.; Feleo, Fernando (1991). The Soul Book: Introduction to Philippine Pagan Religion. Quezon City: GCF Books. ASIN B007FR4S8G.
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 Scott, William Henry (1994). Barangay: Sixteenth Century Philippine Culture and Society. Quezon City: Ateneo de Manila University Press. ISBN 971-550-135-4.
  4. Odal-Devora, Grace (2000). "The River Dwellers". In Alejandro, Reynaldo Gamboa; Yuson, Alfred A. (mga pat.). Pasig: The River of Life. Unilever Philippines. pp. 43–66.
  5. Benitez-Johannot, Purissima, pat. (2011). Paths of Origins: The Austronesian Heritage in the Collections of the National Museum of the Philippines, the Museum Nasional of Indonesia, and the Netherlands Rijksmuseum voor Volkenkunde. Makati City: ArtPostAsia. ISBN 9789719429203.
  6. Maggay, Melba Padilla (1999). Filipino Religious Consciousness. Quezon City: Institute for Studies in Asian Church and Culture.
  7. Buenaventura, Pedro de San (1613). Vocabulario de lengua tagala (sa Kastila). Pila, Laguna.