Pumunta sa nilalaman

Kabihasnang Minoan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Minoano)
Isang maliit na istatuwang nagpapakita ng kasuotan ng mga Minoana o babaeng Minoe (mga 1400 BK).

Ang kabihasnang Minoan o sibilisasyong Minoano ay isang dating kabihasnan sa pulo ng Creta na nagsimula noong Panahon ng Tansong-Pula. Umiiral ito mula noong mga 2700 BCE. Tumagal ito magpahanggang mga 1450 BCE, bago napalitan ng kalinangang Miseneo. Hindi naman talaga nalalaman ng mga dalubhasa kung ano ang tawag ng mga Minoe o Minoano para sa kanilang mga sarili, sapagkat nagmula lamang kay Sir Arthur Evans ang kapangalanang Minoan, na ibinatay mula sa maalamat o mitikong nilalang na si Haring Minos.[1]

Muling natuklasan ang kalinangang Minoe sa pagsisimula ng ika-20 daangtaon sa pamamagitan ng pangunguna ni Evans, isang Britanikong arkeologo. Noong 1939, inilarawan ito ni Will Durant bilang "ang unang ugnay sa loob ng tanikalang Europeo".[2][3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. John Bennet, "Minoan civilization", Oxford Classical Dictionary, ika-3 edisyon, pahina 985.
  2. Salin ng Ingles na: "the first link in the European chain."
  3. Durant, Will. The Life of Greece, The Story of Civilization Part II, Bagong York: Simon & Schuster, 1939:11.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.