Pumunta sa nilalaman

Miss World Philippines

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Miss World Philippines
Pagkakabuo2011
TagapagtatagCory Quirino
UriPatimpalak ng kagandahan
Punong tanggapanMaynila
Kinaroroonan
Kasapihip
Miss World
Reina Hispanoamericana
Miss Multinational
Face of Beauty International
Pambansang Direktor
Cory Quirino (2011-2016)
Arnold Vegafria (2017-kasalukuyan)
Mahahalagang tao
Julia Morley
Websitewww.missworldphilippines.com

Ang Miss World Philippines ay isang patimpalak ng kagandahan sa Pilipinas na pumipili ng mga kinatawan ng bansa sa Miss World, isa sa Big Four na pandaigdigang patimpalak ng kagandahan.

Humugot ng inspirasyon ang naturang paligsahan sa sawikaing ginagamit ng Miss World Ltd. na "Beauty with a Purpose" (transliterasyon: "Kagandahang may Layunin"), kaya ang naging tema nito'y "Beauty in Giving" (transliterasyon: "Kagandahan sa Pagbibigay"). Tumutulong ang mga nananalo at kanilang kaniyang korte sa mga gawaing mapagkawang-gawang sumusuporta sa kapakanan at pangangailangan ng mga kabataan, at lumalahok din sila sa mga kilusang umaalalay sa karapatan ng mga kababaihan at kabataan at iba't iba pang adbokasiya.[1]

Ang kasalukuyang may hawak ng titulong Miss World Philippines ay si Gwendolyne Fourniol mula Negros Occidental. Siya ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss World 2023 na gaganapin sa India.

Si Megan Young ay nananatiling tanging Pilipinang nakapag-uwi ng korona ng Miss World noong 2013.

Bago inorganisa ang Miss World Philippines, nasa ilalim ng iba't ibang organisasyon ang pambansang prangkisa ng Miss World sa Pilipinas. Inabot ng labing-anim na taon bago lumahok ang Pilipinas sa Miss World na nagsimula noong 1951. At unang naging kandidata ng Pilipinas ay si Vivien Lee Austria na lumahok sa Miss World 1966. Si Austria na "1966 Intercollegiate Girl"[2] ay pinili ng College Editors Guild of the Philippines upang maging kinatawan ng Pilipinas.[3] Nang sumunod na taon, napili si Margarita Gomez mula sa Top 10 Fashion Models of the Philippines at siya'y tinanghal na Miss Philippines 1967.[4][5]

Miss Republic of the Philippines

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Oktubre 6, 1968 nakuha ng Beauty World Ltd. ang prangkisa para sa Miss World, at nang taon ding iyon, kinoronahan si Cecilia Amabuyok na Miss Philippines, at nagtapós na 4th runner-up sa ginanap na Miss World 1968. Nang sumunod na taon, nakuha ng Spotlight Promotions na pinamumunuan ni Ferdie Villar ang prangkisa at nagsimulang ganapin ang Miss Republic of the Philippines, kung saan ang nagwawagi'y ang nagiging kandidata ng Pilipinas sa Miss World hanggang 1976.[3][6] Sa panahong ito, nakamit ng Pilipinas ang pinakamataas na puwesto nito sa Miss World—na di-natumbasan sa loob ng halos apat na dekada—nang pumangalawa si Evangeline Pascual, bilang 1st runner-up noong Miss World 1973. Bukod pa rito, nakapasok din sa Top 15 sina Minerva Cagatao noong 1970 at Evangeline Reyes noong 1972.

Mutya ng Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Inilipat sa Mutya ng Pilipinas ang prangkisa ng Miss World noong 1977, at ang huling nagwagi ng Miss Republic of the Philippines na si Josephine Conde ay kinilala na kauna-unang Mutya ng Pilipinas – World,[3][6] upang maitangi siya sa isa pang nagwawagi sa Mutya ng Pilipinas na lumalaban sa Miss Asia Quest, na siya namang tinawag na Mutya ng Pilipinas – Asia. Sa loob ng labinlimang taon, dalawang ulit lamang na nakapasok sa Top 15 ang Pilipinas sa Miss World, ito'y noong 1982 at 1986.[5]

Binibining Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 1992, nakuha ng Binibining Pilipinas Charities sa ilalim ni Stella Araneta ang prangkisa ng Miss World, at ang mga naging kandidata ng Pilipinas sa Miss World ay binigyan ng titulong Binibining Pilipinas – World. Ito'y naging isa sa apat na titulong iginawad ng Binibining Pilipinas noong 1992. Nanatili ito sa isa tatlong pangunahing titulo ng Binibining Pilipinas kasabay ng Binibining Pilipinas – Universe at Binibining Pilipinas – International. Labinsiyam na ulit na nagpadala ng mga kandidata ang Binibining Pilipinas sa Miss World mula 1992 hanggang 2010, hanggang magpasiya si Julia Morley na magkaroon ng eksklusibong lisensiya ang Miss World.[7][8] Sa panahong ito, nagwaging 2nd runner-up noong 1993 si Ruffa Gutierrez at nagtapós naman sa Top 5 sina Rafaela Yunon at Karla Bautista noong 2003 at 2004, ayon sa pagkakasunod. Bukod pa rito nakapasok din sa semi-finals ng Miss World sina Caroline Subijano noong 1994, Katherine Manalo noong 2002 at Carlene Aguilar noong 2005.[5]

Taon Petsa Blg. ng Kandidata Lugar
2011 Setyembre 18 25 Philippine International Convention Center, Pasay
2012 Hunyo 24 25 Manila Hotel Tent City, Maynila
2013 Agosto 18 25 Solaire Resort & Casino, Parañaque
2014 Oktubre 12 26 Mall of Asia Arena, Pasay
2015 Oktubre 18 26 Solaire Resort & Casino, Parañaque
2016 Oktubre 9 30 Resorts World Manila, Pasay

Mga kinatawan sa International pageants

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kasalukuyang titulo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Taon Kinatawan Pagkakalagay Mga parangal
2011 Gwendoline Gaelle Sandrine Ruais 1st Runner-up Miss World Asia
Top Model (Top 10)
Beauty with a Purpose (Top 30)
Beach Beauty (Top 30)
2012 Queenierich Rehman Top 15 World Fashion Designer Award
Talent (Top 5)
Beach Beauty (Top 40)
Top Model (Top 46)
2013 Megan Lynne Young Miss World 2013 Top Model
Miss World Asia
Multimedia (3rd Runner-up)
Beach Beauty (4th Runner-up)
Beauty with a Purpose (Top 10)
Dances of the World Performer
2014 Valerie Weigmann Top 25 Beauty with a Purpose (Top 10)
People's Choice Award (Top 10)
2015 Hillarie Danielle Parungao Top 10 Multimedia (Nanalo)
Interview (ika-9)
People's Choice Award (Top 10)
2016 Catriona Elisa Gray Top 5 Multimedia (Nanalo)
Beauty with a Purpose (Top 5)
Talent (Top 10)
2017 Laura Victoria Lehmann Top 40 Beauty with a Purpose (Nanalo)
Head-to-Head Challenge (Nanalo)
People's Choice Award (Top 10)
2018 Katarina Sonja Rodriguez Head-to-Head Challenge (Nanalo sa Round 1)
Top Model (Top 32)
People's Choice Award (Top 10)
2019 Michelle Daniela Dee Top 12 Head-to-Head Challenge (Nanalo sa round 1 at 2)
Beauty with a Purpose (Top 20)
Top Model (Top 40)
2021 Tracy Maureen Perez Top 13 Head-to-Head Challenge (Nanalo sa round 1 at 2)
Beauty with a Purpose (Nanalo)
2023 Gwendolyne Fourniol Head-to-Head Challenge (Top 25)
Sports (Top 32)
Talent (Top 23)
Top Model (Top 20)
2025 Krishnah Marie Gravidez[9] TBD

Reina Hispanoamericana

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Taon Kinatawan Pagkakalagay Mga parangal
2017 Teresita Ssen Marquez Reina Hispanoamericana 2017 Ipanema Girl
Best National Costume (1st Runner-up)
Miss Personality (1st Runner-up)
2018 Alyssa Muhlach Alvarez Ipanema Girl (2nd Runner-up)
Mejor Sonrisa (Top 5)
2019 Maria Katrina Llegado 5th Runner-up Facebook Fan Vote (Nanalo)
Mas Bello Colorina (Top 3)
Best National Costume (Top 5)
2021 Emmanuelle Vera 3rd Runner-up Facebook Fan Vote (Nanalo)
Best National Costume (Top 10)
Miss Fotogenica (Top 3)
Miss Hydrolagen (Top 3)
2022 Maria Ingrid Teresita Santamaria Top 14 Facebook Fan Vote (Nanalo)
2023 Michelle Arceo 2nd Runner-up
2024 Deanna Marie Maté[10] TBD

Miss Multinational

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Taon Kinatawan Pagkakalagay Mga parangal
2017 Sophia Señoron Miss Multinational 2017 Best in Interview
Miss Environment
Miss Speech
2018 Kimilei Mugford Top 5 Best in Sports
Best in Talent
Miss Multinational Asia
2019 Isabelle de Leon Hindi ginanap ang patimpalak
2021 Shaila Rebortera Hindi ginanap ang patimpalak
2024 Nikhisah Buenafe Cheveh[11] TBD

Face of Beauty Philippines

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Taon Kinatawan Pagkakalagay Mga parangal
2024 Jeanne Isabelle Bilasano TBD

Dating titulo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Miss Eco International

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Taon Kinatawan Pagkakalagay Mga parangal
2018 Cynthia Thomalla Miss Eco International 2018 Resorts Wear Competition (Top 10)
Best Eco Dress Competition (Top 15)
Eco Talent (Top 15)
2019 Maureen Montagne 1st Runner-up Miss Eco Best Resort Wear (2nd Runner-up)
2021 Kelley Day 1st Runner Up Best in National Costume
2022 Kathleen Joy Paton Miss Eco International 2022 Resorts Wear Competition (2nd Runner-up)
Best Eco Video
2023 Ashley Montenegro Top 21

Miss Eco Teen

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Taon Kinatawan Pagkakalagay Mga parangal
2019 Mary Daena Zaide Resurrecion Top 5
2020 Roberta Tamondong Miss Eco Teen 2020 Best in Eco Dress
Best in National Costume
Beach Wear (1st Runner-up)
Best in Talent (2nd Runner-up)
2021 Tatyana Alexi Austria 1st Runner-up Miss Vatika
Eco Dress Prime (1st Runner-up)
2022 Francesca Beatriz McLelland 1st Runner Up Best in National Costume
Best in Resorts Wear
Best Eco Dress (2nd Runner-up)
Miss Talent (2nd Runner-up)
2023 Francine Fatima Reyes Top 11

Miss Supranational

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Taon Kinatawan Pagkakalagay Mga parangal
2021 Dindi Pajares Top 12 Supra Chat (Semi-finalist)
Miss Elegance (1st Runner-up)
Supra Model of Asia (Top 2)
Supra Fan-Vote (Top 10)
Supra Influencer (Top 10)
2022 Danielle Alison Black Top 24 Miss Talent
Supra Fan-Vote (Top 10)
Supra Influencer (Top 15)

Miss Environment

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Taon Kinatawan Pagkakalagay Mga parangal
2022 Michelle Arceo 1st Runner-up Best National Costume
Best Environment Video

Miss Tourism World

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Taon Kinatawan Pagkakalagay Mga parangal
2022 Justine Felizarta 1st Runner-up Best in Evening Gown

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Esteves, Patricia (Enero 26, 2011). "A separate Miss World-Philippines search" (sa wikang Ingles). The Philippine Star. Nakuha noong Oktubre 6, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Vivien Lee Austria". Veestarz.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-08-26. Nakuha noong Setyembre 5, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 Villar, Ferdie (Oktubre 3, 2013). "Philippines' Megan Young finally brings home the elusive Miss World crown" (sa wikang Ingles). Asian Journal. Nakuha noong Setyembre 5, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Maita Gomez". Veestarz.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-15. Nakuha noong Setyembre 5, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 Burton-Titular, Joyce (Oktubre 1, 2013). "From Vivien to Megan: The PH in Miss World history" (sa wikang Ingles). Rappler. Nakuha noong Setyembre 5, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 "Philippine Delegates to Miss World in the 70's (Miss Republic of the Philippines)". Veestarz.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-08. Nakuha noong Setyembre 5, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Sibonga, Glen P. (Hunyo 8, 2012). "Cory Quirino explains decision to transfer Miss World Philippines from GMA-7 to TV5". Philippine Entertainment Portal. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 15, 2016. Nakuha noong Setyembre 5, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Esteves, Patricia (Enero 26, 2011). "A separate Miss World-Philippines search" (sa wikang Ingles). The Philippine Star. Nakuha noong Setyembre 5, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Escuadro, Kiko (20 Hulyo 2024). "Krishnah Marie Gravidez to represent PH in 72nd Miss World". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 Agosto 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Purnell, Kristofer (23 Hulyo 2024). "JK Labajo cheers girlfriend Dia Mate after Reina Hispanoamericana Filipinas 2024 win". The Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 Agosto 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Cardinoza, Gabriel (31 Hulyo 2024). "Pangasinan fetes Miss Multinational Philippines". Manila Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 Agosto 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)