Munhwa Broadcasting Corporation

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Munwha Broadcasting Corporation
Uri Broadcast radio and
telebisyon
Bansa Watawat ng Timog Korea Timog Korea
Lugar na maaaring maabutan Nasyunal
May-ari Foundation of Broadcast Culture
(Mga) Pangunahing tauhan An Kwang Han, CEO
Petsa ng pagpapalabas 1961 (radyo); 1969 (telebisyonn); 2001 (digital); 2005 (DMB)
Opisyal na websayt www.imbc.com
Munhwa Broadcasting Corporation
Hangul 문화방송
Hanja 文化放送
Bagong Romanisasyon Munhwa Bangsong
McCune-Reischauer Munhwa Pangsong

Ang Munhwa Broadcasting Corporation (MBC) ay isa sa apat na pangunahing pambansang network pantelebisyon at pangradyo. Ito ay partikular na kilala sa mga palabas na drama at komedya. Ang salitang Munhwa sa Wikang Koreano ay nangangahulugang "kultura". Minsang naging pagaa-ari ng pamahalaan, ang network ngayon ay 70% pagmamay-ari ng Foundation of Broadcast Culture.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang pinagmulan ng MBC ay ang Busan Munhwa Bangsong (Busan Munhwa Broadcasting Corporation), ang pinakaunang pribadong korporasyong broadcasting, na naitatag noong 1959, sa Busan, Timog Korea. Ang estasyon na ito ay dating pag-aari nina Jeong Kwang-ok (Isang operator ng Radyo)at Kim Sang-yong (Nag-mamay-ari ng isang department store). Ang Busan MBC ay nagsimula sa 1 kW AM Radio at kilala sa pagbroadcast nito ng pinakaunang kantang CM sa Timog Korea. Ang Busan MBC ay nagtayo ng MBC sa Seoul noong 1961, na may maliit na broadcaster sa AM Radio. Nagsimula ang pagbo-broadcast sa telebisyon noong 8 Agosto 1969 at ang pagbo-broadcast sa FM noong 1971.

Punong Gusali ng MBC, Seoul, Timog Korea

iMBC[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang iMBC ay ang ang opisyal na website ng MBC, na nagbibigay sa mga gumagamit nito ng iba't ibang kaalaman sa mga kasalukuyan at dating mga programa at pinahihintulutan ang mga gumagamit na magdownload ng mga programa upang mapanood.

Mga Kawing Panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]