Nakahilig na Tore ng Pisa

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Nakahilig na Tore ng Pisa
Leaning tower of pisa 2.jpg
Payak na impormasyon
Lokasyon Watawat ng Italy Italya
Mga heograpikong coordinate 43°43′23″N 10°23′47″E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operatorMga koordinato: 43°43′23″N 10°23′47″E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Relihiyong kinasasaniban Romano Katoliko
Lalawigan Pisa
Distrito Tuskanya
Websayt Official Website


Ang Nakahilig na Tore ng Pisa (Ingles: Leaning Tower of Pisa o The Tower of Pisa, Italyano: Torre pendente di Pisa o La Torre di Pisa) o payak lamang na Ang Tore ng Pisa ay ang malayang nakatayong tore ng kampanilya (tore de kampanilya) ng katedral ng Italyanong lungsod ng Pisa. Nakalagak ito sa likod ng katedral at siyang ikatlong pinakamatandang istruktura o kayarian sa parisukat na Liwasan ng Katedral ng Pisa (Piazza del Duomo) pagkaraan ng katedral at baptistriya.

Bagaman nilayong nakatayo ng tuwid at bertikal, nagsimulang maging nakatagilid o nakakiling sa timog-silangan ito pagkaraan ng pagsisimula ng konstruksiyon o pagbubuo noong 1173 dahil sa hindi mainam na pagbubuhos ng pundasyon at malambot na istratum o substratong nagpahintulot sa pagbabago ng patutunguhan o direksiyon ng pundasyon. Sa kasalukuyan, nakahilig ito papuntang timog-kanluran.

May taas ang tore na 55.86 mga metro (183.27 mga talampakan) mula sa lupa sa pinakamababang gilid at 56.70 mga metro (186.02 mga talampakan) sa pinakamataas na gilid. Sa base o paanan nito, nasa 4.09 mga metro (13.42 mga talampakan) ang lapad ng mga pader o dingding nito at may 2.48 mga metro (8.14 mga talampakan) sa tuktok o itaas. Tinataya ang timbang nito na may 14,500 mga metrikong tonelada (16,000 maiikling mga tonelada). May 296 o 294 mga hakbangan ang tore; mayroong mas mangilan-ngilang mga hakbangan ang ikapitong palapag sa hagdanang nakaharap sa hilaga. Humilig ang tore sa anggulong 5.5 na mga degri.[1][2][3], subalit pagkaraan ng mga pagawaing pangrestorasyon sa pagitan ng 1990 at 2001, nakakiling na ang tore sa anggulong 3.99 na mga degri.[4] Nangangahulugan ito na ang itaas ng tore ay 3.9 mga metro (12 mga talampakan at 10 mga pulgada) mula sa kung saan ito ititindig kapag wastung-wasto o tama ang pagbertikal nito.[5]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "EUROPE | Saving the Leaning Tower". BBC News. http://news.bbc.co.uk/2/hi/europe/793432.stm. Hinango noong 2009-05-09. 
  2. "Tower of Pisa". Archidose.org. 2001-06-17. http://www.archidose.org/Jul00/071000.html. Hinango noong 2009-05-09. 
  3. "Leaning Tower of Pisa (tower, Pisa, Italy) - Britannica Online Encyclopedia". Britannica.com. http://www.britannica.com/EBchecked/topic/333926/Leaning-Tower-of-Pisa. Hinango noong 2009-05-09. 
  4. "E la Torre di Pisa non oscilla più". Scienze.TV. 2008-05-28. http://www.scienze.tv/node/3952. Hinango noong 2009-05-09. 
  5. tan(3.98 degrees) * (55.86 m + 56.70 m)/2 = 3.9 m