Nestorio

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Nestorius
Archbishop of Constantinople
Kapanganakan c. 386
Germanicia, Syria (now Kahramanmaraş, Turkey)
Kamatayan c. 450
Great Oasis of Hibis (al-Khargah), Egypt
Pinipintuho sa Assyrian Church of the East
Kapistahan October 25
Kontrobersiya Christology, Theotokos

Si Nestorio ( /ˌnɛsˈtɔriəs/; in Greek: Νεστόριος; c. 386 – 450[1]) ang Arsobispo ng Constantinople mula 10 Abril 428 CE hanggang Agosto 431 CE nang kumpirmahin ni emperador Theodosius II ang kanyang pagkukundena ng paksiyon ni Cirilo ng Alehandriya sa Efeso noong 22 Hunyo. Ang mga katuruan ni Nestorio ay kinabibilangan ng kanyang pagtakwil sa matagal na ginagamit na pamagat na Theotokos (Ina ng Diyos) para kay Maria at pinakahulugan ng marami na nagpapahiwatig na hindi siya naniniwalang ang Kristo ay tunay na Diyos. Isinaad ni Nestorio na ang Theoetokos ay nagtatanggi sa buong pagkatao ni Hesus at ikinatwirang si Hesus ay may dalawang persona na Diyos na Logos at taong Hesus. Dahil dito, kanyang iminungkahi ang paggamit ng Christotokos na mas angkop kay Maria. Nabahala si Nestorio na ang kultong "Theotokos" ay mapanganib na malapit sa pagpipitagan kay Maria bilang isang Diyosa. Ito ay nagdulot ng kanyang alitan sa ibang mga mahahalagang indibidwal sa simbahan na ang pinakakilala ay si Cirilo ng Alehandriya na nag-akusa sa kanya ng erehiya. Ipinagtanggol ni Nestorio ang kanyang sarili sa Unang Konseho ng Efeso ngunit kinondena at inalis sa kanyang sede. Siya ay ipinatapon noong 435 CE emperador Theodosius II sa ehipto kung saan siya tumira hanggang 450 kung saan niya aktibong pinagtanggol ang kanyang ortodoksiya. Hindi tinanggap ng Simbahan ng Silangan ang pagkukundena ng Unang Konseho ng Efeso sa mga katuruan ni Nestorio at humiwalay sila mula sa ibang mga Kristiyano.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Nestorius Ecumenical Patriarchate