Nicholas Sparks

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Nicholas Sparks
Si Sparks noong Enero 2006
Trabaho Nobelista
Henero Romantic fiction

.com

Si Nicholas Sparks (ipinanganak noong Disyembre 31, 1965) ay isang Amerikanong nobelista at manunulat na tanyag sa buong mundo. Nakapaglathala na siya ng labinlimang nobela at kabilang sa mga tema ng mga ito ay ang Kristiyanismo, pag-ibig, trahedya, at kapalaran. Anim sa mga nobelang ay isinapelikula na, kabilang ang "Message in a Bottle", "A Walk to Remember", "The Notebook", "Nights in Rodanthe", "Dear John" at "The Last Song" na ipinalabas noong Marso 31, 2010. Dalawa pa sa kanyang mga libro ang nakatakdang gawing pelikula; ang "True Believer" na inaasahang ilalabas sa 2011 at ang "The Lucky One" na inaasahan namang ilalabas sa 2012. Noong Pebrero 17, 2010 ay sinimulan ni Sparks na isulat ang kanyang ikalabing-anim na nobela at tinatayang mailalathala ito sa taglagas ng 2010.[1]

Maagang buhay[baguhin]

Si Nicholas Sparks ay isinilang noong Disyembre 31, 1965 sa Omaha, Nebraska kina Patrick Michael Sparks, isang propesor, at sa kanyang maybahay na si Jill Emma Marie Sparks. Siya ang pangalawa sa tatlong magkakapatid. Si Michael Earl "Micah" Sparks ang kanyang nakatatandang kapatid na lalaki at si Danielle "Dana" Sparks (1966-2000) naman ang kanyang nakababatang kapatid na babae. Si Dana ay yumao sa edad na 33 at ayon kay Sparks, siya ang inspirasyon para sa pangunahing tauhan sa kanyang nobelang A Walk to Remember.

Si Sparks ay pinalaking isang Romano Katoliko[2] at may mga ninunong Aleman, Tseko, Ingles at Irlandes.[3]

Ang kanyang ama ay nag-aaral pa noon, dahilan upang ang kanilang pamilya ay madalas na magpalipat-lipat ng tirahan. Sa edad na walo ay nakatira na siya sa Minnesota, Los Angeles at Grand Island, Nebraska. Noong 1974, ang kaniyang pamilya ay tumigil sa Fair Oaks, California at nanatili roon hanggang matapos ni Nicholas ang kanyang mataas na paaralan. Nagtapos siya bilang valedictorian sa Bella Vista High School at pagkatapos, siya ay pumasok sa Unibersidad ng Notre Dame at doo'y tumanggap nga buong iskolarsyip sa paglalaro ng track and field. Nagtapos siya ng kolehiyo noong 1988. Noon din niya nakilala ang kaniyang mapapangasawang si Cathy Cote mula sa New Hampshire, habang sila ay nagbabakasyon para sa tagsibol. Sila ay nagpakasal noong 1989 at tumira sa Sacramento, California.

Mga nobelang nalathala[baguhin]

  1. The Notebook (Oktubre 1996)
  2. Message in a Bottle (Abril 1998)
  3. A Walk to Remember (Oktubre 1999)
  4. The Rescue (Setyembre 2000)
  5. A Bend in the Road (Setyembre 2001)
  6. Nights in Rodanthe (Setyembre 2002)
  7. The Guardian (Abril 2003)
  8. The Wedding (Setyembre 2003)
  9. Three Weeks With My Brother (Abril 2004)
  10. True Believer (Abril 2005)
  11. At First Sight (Oktubre 2005)
  12. Dear John (Oktubre 2006)
  13. The Choice (Setyembre 2007)
  14. The Lucky One (Oktubre 2008)
  15. The Last Song (Setyembre 2009)
  16. The Best of Me (2010)

Mga nobelang naisapelikula[baguhin]

  1. Message in a Bottle (Pebrero 12, 1999)
  2. A Walk To Remember (Enero 25, 2002)
  3. The Notebook (Hunyo 25, 2004)
  4. Nights in Rodanthe (Setyembre 26, 2008)
  5. Dear John (Pebrero 5, 2010)
  6. The Last Song (Marso 31, 2010)
  7. True Believer (Iaanunsyo pa lamang, 2011)
  8. The Lucky One (Iaanunsyo pa lamang, 2012)
  9. Safe Haven (Pebrero 2012)

Mga Sanggunian[baguhin]