Nilapat na agham

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang nilapat na agham (Ingles: applied science) ay ang paglalapat o paggamit ng kaalaman ng tao upang makabuo o makapagdisenyo ng mga bagay na magagamit. Halimbawa nito ang pagsubok sa isang modelong makateoriya sa pamamagitan ng paggamit ng agham na pormal o paglulunas ng isang problemang praktikal sa pamamagitan ng paggamit ng agham na likas. Ang mga larangan sa inhinyeriya ay malapit na may kaugnayan sa nilalapat na mga agham. Mahalaga ang agham na nilalapat para sa pagpapaunlad ng teknolohiya. Ang paggamit nito sa mga tagpuang pang-industriya ay karaniwang tinutukoy bilang research and development (R&D) sa Ingles, na may ibig sabihing pananaliksik at pagpapaunlad. Kaiba ang nilapat na agham magmula sa agham na saligan (siyensiyang pundamental), na naglalayong mailarawan ang pinaka saligang mga bagay o mga puwersa, na mayroong mas kakaunting pagbibigay ng diin sa mga paggamit o paglalapat na praktikal. Ang agham na nilalapat ay maaaring maging katulad ng agham na pangbiyolohiya at agham na pangpisika (agham na pisikal).


Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.