Pumunta sa nilalaman

Noli me tangere (parilala)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Noli me Tangere ni Antonio da Correggio, c. 1525

Ang Noli me tángere (Huwag mo akong salingin[1] o Huwag mo akong hawakan[2]) ay ang mga salitang sinabi kay Maria Magdalena ni Hesus matapos siyang makilala ng babae matapos ang kanyang muling pagkabuhay. Ang parilala ay nagmula sa bersiyong Latin ng Ebanghelyo ni Juan, Kabanata 20, Bersong 17.

Ang orihinal na parilalang Griyegong Koine, Μή μου ἅπτου (mē mou haptou), ay mas mabuting nailalarawan sa pagsasalin bilang "tigilan ang pahawak sa akin" o "tigilan ang pagkapit sa akin".[3]

Sa eksenang biblikal na nagpapakita sa pagkilala ni Maria Magdalena kay Hesukristo pagkatapos ng kanyang muling pagkabuhay ay naging paksa ng isang matagalang, malawakang, at patuloy-tuloy na kaugaliang ikonograpiya sa sining Kristiyano mula sa huling bahagi ng panahong antiquity hanggang sa kasalukuyan.[4] Isang halimbawa ay ang isang pinta ni Pablo Picasso na La Vie mula sa Panahong Bughaw kung saan ginamit niya ang Noli me tangere ni Antonio da Correggio bílang gabay.[5]

Ginagamit din ang mga salita sa paglarawan ng isang sakít na kilalá sa mga manggagamot noong panahong medyebal na tinatawag na "nakatagong kanser" o cancer absconditus, kung saan habang mas marami pang ginagalaw na pamamaga na may ugnay sa mga kanser na ito, mas lumalala pa ito.[6]

Ang parilala ay ginamit ni Jose Rizal bilang pamagat ng kanyang unang nobela.

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Noli Me Tangere: Mga Tauhan". Jose Rizal Website. Pamantasang Jose Rizal. Nakuha noong Marso 14, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Juan 20:17. Magandang Balita Biblia, 2005 Edisyon
  3. Tingnan ang "Touch Me Not" ni Gary F. Zeolla o Greek Verbs. Ang anyo ng pandiwa na ginamit ay hindi na sa imperatibong aoristo, na humihiwatig sa sandalihan o punto ng pagkilos, ngunit sa kasalukuyan, na humihiwatig sa isang kilos na nangyayari.(Lesson Five – Greek Verbs). Sa parehas na kabanata, inalok ni Hesus si Tomas na hawakan ang kanyang tagiliran, isang imperatibong aoristo na naghihiwatig ng isang inimungkahing panandalihang kilos. 20:27. Tingnan din Jeremy Duff, The Elements of New Testament Greek, 7.2.2. "The difference between the Present and Aorist Imperatives" (sa Ingles).
  4. G. Schiller, "Ikonographie der christlichen Kunst", bol. 3, Auferstehung und Erhöhung Christi, Gütersloh 2 1986 (ISBN 3-579-04137-1), pp. 95–98, pl. 275–297; Art. Noli me tangere, sa: "Lexikon der christlichen Ikonographie", bol. 3 Allgemeine Ikonographie L–R, Rom Freiburg Basel Wien 1971 (ISBN 3-451-22568-9), col. 332–336.Padron:De
  5. Gereon Becht-Jördens, Peter M. Wehmeier: Picasso und die christliche Ikonographie. Mutterbeziehung und künstlerische Position. Reimer, Berlin 2003, esp. pp. 39–42, fig. 1–4 ISBN 3-496-01272-2Padron:De
  6. Wallis, Faith. "Medieval Medicine: A Reader". University of Toronto Press, 2010, p. 345 ISBN 978-1442601031