Adeste Fideles
Mukhang kailangan pong ayusin ang artikulo na ito upang umayon ito sa pamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (Hulyo 2009)
Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad sa nilalaman po nito. Binigay na dahilan: wala |
Ang "Adeste Fideles" (Tagalog: "Halina, Kristiyano" o "Halina, Halina") ay isang himno. Ang karaniwang kinikilalang may-akda nito ay ang Ingles na si John Francis Wade, subalit hanggang sa ngayon hindi matukoy kung sino ang tunay na may-akda. Hindi rin malinaw ang pinagmulan ng mga titik nito, at isang hinala ay si Juan ng Reading ang nagsulat ng mga ito ng ika-13 siglo, ngunit maaari ring si Wade ang may-akda.
Kasalukuyang kilala ang "Adeste Fideles" bilang isang awiting Pamasko. Mula sa orihinal na apat na taludtod ipinahaba ito upang maging walo, at isinalin na ito sa iba-ibang mga wika, kasama ang Tagalog. Ang pinakakilala sa mga salin ay ang tanyag na "O Come, All Ye Faithful" sa Ingles, na isinulat ng isang paring Katoliko na si Frederick Oakeley, at laganap sa mga bansang nagsasalita ng Ingles.
Titik
[baguhin | baguhin ang wikitext]Latin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kinikilala si Wade bilang may-akda ng itong mga berso, at halos magkasing-kahulugan ang mga ito sa titik ng "O Come, All Ye Faithful" sa Ingles.
Adeste fideles laeti triumphantes,
Venite, venite in Bethlehem.
Natum videte Regem angelorum.
Venite adoremus (ter)
Dominum.
Deum de Deo, lumen de lumine
Gestant puellae viscera.
Deum verum, genitum non factum.
Venite adoremus (ter)
Dominum.
Cantet nunc 'Io', chorus angelorum;
Cantet nunc aula caelestium,
Gloria! Soli Deo Gloria!
Venite adoremus (ter)
Dominum.
Ergo qui natus die hodierna.
Jesu, tibi sit gloria,
Patris aeterni Verbum caro factum.
Venite adoremus (ter)
Dominum.
Mayroon ding mga dagdag na taludtod na mahahanap sa ibang mga pinaghanguan, kagaya nito:
En grege relicto, humiles ad cunas,
Vocati pastores adproperant:
Et nos ovanti gradu festinemus,
Venite adoremus, venite adoremus,
Venite adoremus Dominum.
Tagalog
[baguhin | baguhin ang wikitext]May dalawang bersiyon ng Adeste Fideles sa Tagalog: ang una ay ang "Halina, Kristiyano", na karaniwang itinutugtog sa mga simbahan bilang bahagi ng mga Misang inihahandog para sa Adbiyento, at ang "Halina, Halina", na iniawit ng Bayanihan Philippine Dance Company at inihalo ang Tagalog at orihinal na Latin sa isang teksto.
"Halina, Kristiyano"
[baguhin | baguhin ang wikitext]I. Halina Kristiyano at ating dalawin
Ang Mesiyas na isinilang sa Belen
Haring dakila't Panginoon natin,
Koro: Halina at purihin, Halina at purihin
Halina at purihin ang Diyos na aliw.
II. Ang langit at lupa ay masayang pawa
Pagka't sumilang ang Mesiyas ng Awa
Nag-asal dukha bago ay dakila. (Koro)
Ingles
[baguhin | baguhin ang wikitext]"O Come, O Ye Faithful"
[baguhin | baguhin ang wikitext]O Come All Ye Faithful
Joyful and triumphant,
O come ye, O come ye to Bethlehem.
Come and behold Him,
Born the King of Angels;
O come, let us adore Him,
O come, let us adore Him,
O come, let us adore Him,
Christ the Lord.
O Sing, choirs of angels,
Sing in exultation,
Sing all that hear in heaven God's holy word.
Give to our Father glory in the Highest;
O come, let us adore Him,
O come, let us adore Him,
O come, let us adore Him,
Christ the Lord.
All Hail! Lord, we greet Thee,
Born this happy morning,
O Jesus! for evermore be Thy name adored.
Word of the Father, now in flesh appearing;
O come, let us adore Him,
O come, let us adore Him,
O come, let us adore Him,
Christ the Lord.