Ontario, Canada

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Ontario (postal code: ON) ay isang probinsiya sa bansang Canada na nasa silangang bahagi ng bansa, ang pinakamalaki sa bilang ng tao, at pangalawa sa Quebec sa sukat nito. Katabi ito ng probinsiya ng Manitoba sa kanluran. Katabi ito ng Quebec sa silangan.

Ang kabisera ng Ontario ay Toronto, ang pinakamatao sa buong Canada. Ang Ontario ay tinitirahan ng 12,678,000 katao, na 38.9 % ng populasyon ng bansa.

Ang pangalan ng probinsiya ay hango sa Lawa ng Ontario, na sinasabing galing sa ontarí:io, isang salitang Huron na ang ibig sabihin ay "Dakilang Lawa",[1] o maaari din sa skanadario "magandang katubigan" sa Iroquoian.

Talababa[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Mithun, Marianne (2000). The Languages of Native North America. Cambridge: Cambridge University Press, pg. 312



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.