Pagbago ng kasarian

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Sex Change[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang SEX CHANGE ay ang proseso kung saan ang isang tao o isang hayop ay nagpapalit kasarian – sa kalagayang ipinapalit ang pambabaing katangian sa isang lalaki o ang kabaligtaran nito. May pagpapalit ng kasarian na nagaganap sa natural na paraan, katulad ng mga naoobserbahan sa ibang uri ng nilalang na tinatawag na sequential hermaphroditism. Tinatawag na sex reassignment therapy kasama na ang sex reassignment surgery ang pagpapalit ng kasarian, na karaniwang ginagawa sa mga tao. Ito ay karaniwang ginagamit sa mga kasanayang medikal na isinasagawa sa mga intersexual na tao. Ito rin ay maaaring gamitin sa mas malawakang proseso ng pagbabago ng kaugalian batay sa sekswalidad (pamumuhay bilang babae kaysa mamuhay bilang lalaki, o anumang kabaligtaran nito), kung saan ay maaaring isama o hindi ang pagpapaopera.

Natural na Pagbabago ng Kasarian[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa mga hayop[baguhin | baguhin ang batayan]

May mga hayop na mayroong Sequential Hermaphroditism, na tinataglay ng maraming uri ng mga “coral reef fishes”, kung saan ang pagbabago ng kasarian ay isang normal na prosesong anatomikal. Ang ibang uri ng isda, tulad ng clownfish, wrasses, moray eels at gobies ay may kakayahang magbago ng kasarian para sa kakayahang magparami. Halimbawa nito ay: sa isang grupo ng mga clownfish ay may namumunong babaeng clownfish. Sa panahon ng pagkamatay nito, ang pinakadominanteng lalaki sa grupo ay magpapalit ng kasarian upang maging babae at siyang may kakayahan bilang mamuno sa grupong ito. Sa kalagayan naman ng mga wrasses, kung saan ay napakaraming ng mga babae, ay nagpapalit ng kasarian mula sa pagiging babae patungo sa mga lalaking uri, upang matugunan ang pagkawala ng maraming lalaki.

Napag-alaman din na ang mga mushroom corals at ibang dioecious na mga halaman ay dumadaan sa natural na pagpapalit ng kasarian, at sinasabing ito ay upang maka adapt sa pagbabago ng kapaligiran, at sa page-evolve ng mga organismo.

Sa mga tao[baguhin | baguhin ang batayan]

May mangilan-ngilang kaso ng kondisyong medikal ang nagreresulta sa pagpapalit ng kasarian ng tao. Ang kasarian ng isang tao sa kanyang pagkapanganak ay maaaring mabago sa kanyang pagtanda. Ang pinakamaraming kaso ay ang pagpapalit ng kasarian ng mga ipinanganak na babae patungong lalaki pagdating sa panahon ng kanyang pagdadalaga/pagbibinata, na maaaring dahilan ng 5-alpha-reductase deficiency (5alpha-RD-2) o 17-beta-hydroxysteroid dehydrogenase deficiency(17beta-HSD-3). May mangilan-ngilang kaso ng pagbabago kung saan ang ipinanganak bilang lalaki ay magpapalit ng kasarian bilang babae, subalit ang mga maaaring sanhi o pinagmulan nito ay hindi pa gaanong napag-aaralan at naiintindihan.

Ang mga ipinanganak bilang babae (may dalawang X Chromosome) na mayroong congenital adrenal hyperplasia ay nagkakaroon ng pagkukulang sa mga enzymes na lumilikha ng mga hormones na cortisol at aldosterone. Bilang resulta, ang katawan nila ay gumagawa ng mas madaming androgens, na siyang nagpapakita ng mga katangiang panlalaki ng mas maaga na hindi kinakailangan ng babae.

Sa kabilang banda, ang mga ipinanganak bilang lalaki (may tig-isang X at Y chromosome) na mayroong androgen insensitivity syndrome (AIS) ay hindi naaapektuhan ng androgens. Bilang resulta, nagkakaroon ang lalaki ng mga katangiang pambabae kahit na siya ay mayroong genes na pang lalaki. Ang pagbabagong ito ay nagaganap kapag ang isang lalaki ay mayroong incomplete AI, tulad ng pagkakaroon ng Reifenstein Syndrome, kung saan nagkakaroon ng dibdib na pang babae ang mga lalaki.

Pagpapalit ng kasarian gamit ang mga operasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Karaniwang nagpapalit ang mga tao ng kanilang kasarian kapag sila ay dumaan sa isang ''sex reassignment therapy'' kung saan papalitan ang katangiang sekswal ng isang babae ng sa lalaki o isang lalaki patungong babae. Maaari din itong isama sa ''sex reassignment surgery'' na kung saan ang ari lamang ang ooperahan.

Kadalasang ginagamit din ang sex change sa pagpapalit ng pamumuhay ng isang tao (tulad ng pamumuhay ng isang lalaki bilang babae), kung saan hindi na ang operasyon. Ang pagbabagong ito ay karaniwang mas mahalaga sa mga transgender kaysa sa pagpapaopera, subalit ang pagpapaopera ay sinasabing maaaring magamit upang mabago ang mga posibleng role ng isang transgender, socially at legally; o hindi kaya ay mahalagang pagbabago sa ugali ng isang tao.

Ang pananaw ng maraming tao tungkol sa sex change ay maituturing na hindi tama. Ang sex sa mga tao ay nakikita sa pamamagitan ng apat (4) na bagay:

  • Gonads (Ovaries at/o Testicles)
  • Kalagayan ng Hormones
  • Pangunahing pangkasariang katangian, o minsan kasama ang pangalawang pangkasariang katangian.


May mga parte dito ang maaari at hindi maaaring baguhin, tulad ng:

  • Hindi maaaring baguhin ang mga chromosomes
  • Ang mga Gonads ay maaaring tanggalin, subalit hindi maaaring palitan
  • Madaling baguhin ang kalagayan ng hormones

Ang secondary sex trait ay maaaring palitan: ang iba ay sa pamamagitan ng operasyon at ang iba ay sa pagtuturok ng mga hormones. Halimbawa, ang isang komplikadong bagay tulad ng pagpapalit ng kasarian ng isang lalaki patungong babae kung saan gumagana ang bawat parte ng kanyang ari, ay posibleng magawa, samantalang ang pagpapalit ng ari ng babae sa isang lalaki ay isang napaka komplikadong bagay, na kung minsan ay hindi nagiging matagumpay ang operasyon (ang ibang parte ng inilalagay na ari ay hindi gumagana).

Ang pagpapalit ng kasarian ay karaniwang isinasagawa sa pamamagitan ng hormone replacement therapy, kung saan ang mga nagnanais maging babae ay binibigyan ng mga gamot na mayaman sa estrogen, antiandrogens at minsan ay progesterone. Ang pagpapalit naman patungong lalaki ay binibigyan ng mga gamot na mayaman sa androgens. Ang karaniwang tagal ng paghihintay bago ang operasyon sa pagpapalit ng kasarian ay dalawang taon, na itinakda ng Standards of Care for the Health of Transsexual, Transgender and Gender Conforming People. Ang operasyon sa pagpapalit ng kasarian ay sinisimulan matapos ang isang counselling o ang pamumuhay sa piniling kasarian sa panahon ng humigit kumulang anim na buwan, subalit ang mga kondisyong ito ay maaaring mabaliwala dipende sa batas na ipinapatupad sa lugar na tinitirhan. Karaniwan sa mga trans people ay nagiging mga medical tourist, sapagkat mas makakatipid at mas makakakuha sila ng magagaling na doktor tulad sa Thailand.

Mga Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

https://en.wikipedia.org/wiki/Sex_change