Pangkat ng Maute
Pangkat ng Maute | |
---|---|
Pinuno | Omar Maute † Abdullah Maute †[1][2] |
Pagkatatag | 2012 |
Mga petsa ng operasyon | 2013[3] | – Oktubre 23, 2017
Nabuwag | 2017 |
Bansa | Pilipinas |
Mga aktibong rehiyon | Lanao del Sur |
Ideolohiya | Radikal na Islamismo |
Mga bantog na pag-atake | Pagatake sa Butig noong Pebrero at Nobyembre 2016 2016 pambobomba sa lungsod ng Dabaw 2017 Krisis sa Marawi |
Laki | 25 (Mayo 2019) |
Ang Pangkat ng Maute ([mɐʔutɪ] o [mɐʔute̞]), na kilala rin bilang Islamikong Estado ng Lanao, ay isang radikal at Islamistang pangkat na binubuo ng mga dating gerilya ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at ilang banyagang mandirigma na pinamumunuan ni Abdullah Maute, ang sinasabing tagapagtatag ng isang Dawlah Islamiya, o Islamikong estado na nakabase sa Lanao del Sur, Mindanao, Pilipinas. Naging kilala ang pangkat noong naganap ang isang labanan sa mga tropa ng Hukbong Katihan ng Pilipinas noong Pebrero 2016 na nauwi sa pagbihag ng kanilang punong tanggapan sa bayan ng Butig, Lanao del Sur. May mga ulat na napatay ang kapatid ni Abdullah na si Omar Maute sa nasabing labanan. Mayroon ding mga ulat na salungat, at sinasalaysay na nakatakas siya bago nilusob ang kampo at buhay pa rin. Magmula noon ang pangkat, na tinuring ng isang brigadang komandante ng Hukbong Katihan ng Pilipinas bilang terorista, ay nagsasagawa ng protection racket sa mga malalayong pamayanan ng Butig. Matapos ang pagkamatay ng mga pinuno nito na sina Omar at Abdullah Maute at ang pagkatalo nito sa labanan sa Marawi, tuluyan nang nawala sa pagkairal ang pangkat pang-terorismo na ito.[5]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "'Terrorists will crumble': Military kills Isnilon Hapilon, Omar Maute". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-10-17. Nakuha noong 2017-10-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Philippine troops kill two militant leaders allied to IS group
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-10-24. Nakuha noong 2017-10-25.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Franco, Joseph. "Mindanao after the Philippines presidential elections". Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Mayo 2016. Nakuha noong 27 Mayo 2016.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-10-24. Nakuha noong 2017-10-25.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.