Pumunta sa nilalaman

Ama Namin

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pater Noster)
Ang Sermon sa Ibabaw ng Bundok, iginuhit ni Carl Heinrich Bloch.

Ayon sa Kristyanismo, ang Ama Namin[1] (Gryego: Πατέρα μας[2]; Latin: Pater Noster, binabaybay ding Paternoster[3]) ay ang dasal na turo ni Hesus ng Naẕrat, o Hesus ng Nazaret.[3] Ito ang pinakakilalang panalanging Kristiyano, na itinuro ni Hesus sa kaniyang mga alagad. Kilala rin ito bilang Panalangin ng Panginoon.[3] Ginagamit ito sa halos lahat ng mga serbisyong Kristiyano, at pangunahing hinango mula sa biblikal na Sermon sa Ibabaw ng Bundok.[3] Bahagi rin ang dasal na ito ng pagrorosaryo.[4]

Nilalaman ng dasal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Binubuo ang Ama Namin ng mga sumusunod na mga linya:

Bersiyong Tagalog at Griyego

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Hango ito sa Ebanghelyo ni San Lukas (Lukas 11:2–4), batay sa nasa BibleGateway.com:

"Sinabi ni Jesus sa kanila: Kung mananalangin kayo, sabihin ninyo: Aming Ama na nasa langit, pakabanalin ang iyong pangalan. Dumating nawa ang iyong paghahari. Mangyari ang iyong kalooban, kung papaano sa langit, maging gayundin sa lupa. Ibigay mo sa amin ang kailangan naming tinapay sa bawat araw. Patawarin mo kami sa mga pagkakasala namin. Ito ay sapagkat kami rin ay nagpapatawad sa bawat isang may utang sa amin. Huwag mo kaming dalhin sa tukso, subalit iligtas mo kami mula sa masama."[5]

Laman ng panalanging ito ay papuri (adoration), paghingi ng kapatawaran (contrition), pasasalamat (thanksgiving), at paghingi ng patnubay (supplication) sa Diyos na makapangyarihan sa lahat.

Ganito ang bersiyon sa Tagalog batay sa pagsasalin ni Msgr. Jose C. Abriol:

"Winika niya (ni Hesus) sa kanila, ' kung kayo'y mananalangin, sabihin ninyo: Ama, sambahin ang ngalan mo; mapasa amin ang kaharian mo. Bigyan mo kami ng aming kakanin sa araw-araw; at patawarin mo kami ng aming mga kasalanan, sapagkat pinatatawad namin ang tanang nagkakautang sa amin, at huwag mo kaming pabayaang mahulog sa tukso.' "[6]

Ganito naman ang mula sa Ang Dating Bibliya ng 1905:

"At sinabi niya sa kanila, Pagka kayo'y nagsisipanalangin, inyong sabihin, Ama, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Ibigay mo sa amin arawaraw ang aming pangarawaraw na kakanin. At ipatawad mo sa amin ang aming mga kasalanan; sapagka't aming pinatawad naman ang bawa't may utang sa amin. At huwag mo kaming ihatid sa tukso."[7]

Ganiri ang galing sa Bagong Magandang Balita Biblia ng AngBiblia.net:

Sinabi ni Jesus sa kanila, "Kung kayo'y mananalangin, sabihin ninyo, 'Ama, sambahin nawa ang iyong pangalan. Nawa'y maghari ka sa amin. Bigyan mo kami ng aming kakainin sa araw-araw. At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, sapagkat pinapatawad namin ang bawat nagkakasala sa amin. At huwag mo kaming hayaang matukso.'"[8]

Bersiyon sa wikang Galilea

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Avvon d-bish-maiya, nith-qaddash shim-mukh.
Tih-teh mal-chootukh. Nih-weh çiw-yanukh:
ei-chana d'bish-maiya: ap b'ar-ah.
Haw lan lakh-ma d'soonqa-nan yoo-mana.
O'shwooq lan kho-bein:
ei-chana d'ap kh'nan shwiq-qan l'khaya-ween.
Oo'la te-ellan l'niss-yoona:
il-la paç-çan min beesha.
Mid-til de-di-lukh hai mal-choota l'alam al-mein. Aa-meen.

Bersiyong Ingles at Tagalog

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Halaw ang bersiyong ito mula sa Mateo 6:9-13 ng Revised Standard Version of the Bible:[3]

Our Father who art in heaven,
Hallowed be thy name
Thy kingdom come,
Thy will be done,
on earth as it is in heaven.
Give us this day our daily bread;
And forgive us our debts,
As we also have forgiven our debtors;
And lead us not into temptation,
But deliver us from evil. Amen.

Pinapalitan ang salitang "debts" ng "trespasses" sa ibang bersiyon sa Ingles, samantalang napapalitan ang linyang "As we also have forgiven our debtors" ng "As we forgive those who trespassed against us." Karaniwan ding idinadagdag ang pariralang "For Thine is the kingdom and the power and the glory forever" na nangangahulugang "Sapagkat sa Iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kaluwalhatian magpasawalanghanggan."[3]

Ganito ang katumbas nito sa Bibliyang Tagalog na salin ni Jose C. Abriol, mula rin sa Mateo 6: 9-13:

Ama namin, sumasalangit ka,
Sambahin ang ngalan mo.
Mapasa amin ang kaharian mo,
Sundin ang loob mo,
Dito sa lupa para ng sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga utang,
Para ng pagpapatawad namin sa mga nagkakautang sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso
Bagkus iadya mo kami sa masama.[6]

Mga bahagi at mga paliwanag

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagmula kay San Agustin (sa kanyang Liham kay Proba) ang sumusunod na mga paliwanag hinggil sa napiling mga bahagi ng Ama Namin:[9]

Sumasalangit ka

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa pariralang ito nasasasaad ang pagka-Amang makalangit ng ating Yahweh El Shaddai. Siya na naghahari sa langit ay nagsugo ng kanyang anak upang tayo ay iligtas. Ipinapakita ni Hesus ang kanyang ama sa atin sa pamamagitan ng kanyang sarili. Kaya sa bawat parirala ng Ama Namin, tayo ay nakikibahagi sa misteryo ni Yahweh.

Mapasaamin ang kaharian mo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa pagbanggit ng mapasaamin ang kaharian mo (o your kingdom come sa Ingles), ipinaaalala sa tao na tiyak ang pagdating ng kaharian ng Diyos, subalit pinasisigla ng pariralang ito ang pagnanais ng mga nananalig sa kahariang ito. Upang nang sa gayon, dumating ito sa tao na nararapat ang taong mamuhay sa loob nito.[9]

Sundin ang loob mo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kapag sinasambit ang sundin ang loob mo, dito sa lupa para ng sa langit, hinihiling ng tao sa Diyos na maging masunurin nawa ang tao o sarili ng tao upang masunod ang kagustuhan ng Diyos sa loob ng tao, katulad ng ginagawa ng mga anghel sa kalangitan.[9]

Bigyan mo kami

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kapag sinasabi ang bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw, pinakakahulugan dito ang "sa mundong ito". At humihingi tayo ng pagiging sapat at ginagamit ang kakanin (bread sa Ingles) upang sumagisag para sa lahat ng bagay.[9]

Patawarin mo kami

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa pagsasabi ng patawarin mo kami sa aming mga sala, para ng pagpapatawad namin sa mga nagkakautang sa amin, ipinaaalala ng tao sa kanyang sarili kung ano ang kailangan niyang hingin at kung ano ang dapat niyang gawin upang maging nararapat sa pagtanggap.[9]

Huwag ipahintulot sa tukso

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kapag sinasabi naman ang huwag mo kaming ipahintulot sa tukso, pinapaalala ng tao nahindi maaaring lumisan sa kanya ang tulong na ito. Kapag nawala ito, maaari siyang mabulid at pumayag sa isang tentasyon at mabuyo rito.[9]

Iadya mo kami

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa pagbanggit ng iadya mo kami sa masama, ipinaaalala ng tao sa sarili na magmuni sa katotohanang hindi pa niya ikinasisiya ang katayuan ng pagiging isang banal kung saan hindi na siya maghihirap sa ilalim ng kasamaan. Sa kahilingang ito, maaaring sambitin ng isang Kristiyano ang kanyang pagtangis, at sa pamamagitan nito maaari siyang magsimula, magpatuloy, at wakasan ang kanyang dalangin, anuman ang suliraning kinatatagpuan niya sa kanyang sarili.[9]

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Hulyo 2023, nagdulot ng kontrobersiya ang isang video na gawa ni dating kalahok ng Drag Den at drag queen na si Pura Luka Vega, kung saan nakadamit siya bilang si Hesus at sumayaw sa isang punk rock na cover ng Ama Namin. Itong video ay kinondena ng ilang mga pulitiko at ng Kapulungan ng mga Katolikong Obispo ng Pilipinas.[10]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Landsnes, David G. (para sa “Aba Ginoong Maria sa 404 na mga wika” ng Ordine Equestro del San Sepolcro di Gerusalemme, Milano, 1931), Aquinas Duffy (para sa Aba Ginoong Maria at Luwalhati), at Wolfgang Kuhl (para sa Tanda ng Krus, Aba Po Santa Mariang Hari at Sumasampalataya Ako). Mga Dasal na nasa Wikang Tagalog, Tagalog (Filipino, Pilipino), Christus Rex, Inc., christusrex.org, kinuha noong 26 Pebrero 2008
  2. Mula sa Bibliya: Lukas 11.1–4, teksto sa Griyego
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 "Lord's Prayer, Our Father, Pater Noster, at Paternoster". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Maliit na Dasalan ng Pagrorosaryo". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-03-26. Nakuha noong 2008-02-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Ama Namin, BibleGateway.com
  6. 6.0 6.1 Abriol, Jose C. (2000). "Mateo 6: 9-13". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Ama Namin, mula sa Ang Dating Biblia (1905)
  8. Ama Namin, AngBiblia.net
  9. 9.0 9.1 9.2 9.3 9.4 9.5 9.6 Mga paliwanag na nasa Our Father... (Matthew 6:7-15), Thursday, Hunyo 18, Meditations, Hunyo 2009, The Word Among Us, Daily Meditations for Catholics, pahina 38.
  10. "Zubiri says 'Ama Namin' drag video 'blasphemous'; CBCP won't file complaint". ABS-CBN News and Current Affairs. Hulyo 13, 2023. Nakuha noong Hulyo 13, 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)