Pleistoseno

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Mga subdibisyon ng sistemang Kwaternaryo
Sistema Serye Yugto Edad (Ma)
Kwaternaryo Holoseno 0–0.0117
Pleistoseno Tarantian (Itaas) 0.0117–0.126
Ionian (Gitna) 0.126–0.781
Calabrian (Mababa) 0.781–1.806
Gelasian (Mababa) 1.806–2.588
Neohene Plioseno Piacenzian mas matanda
Sa Europa at Hilagang Amerika, ang Holoseno ay nahahati sa mga yugtong Preboreal, Boreal, Atlantic, Subboreal, at Subatlantic sa iskala ng panahong Blytt-Sernander. Mayroong maraming mga subdibisyong pang-rehiyon para sa Itaas at Huling Pleistoseno. Sa karaniwan ang mga ito ay kumakatawang lokal sa nakikilalang mga panahong malamig(glasyal/yelo) at katamtamang init(interglasyal). Ang huling panahong yelo ay nagwakas sa isang malamig na pang-ilalim na yugtong Mas Batang Dryas.

Ang Pleistoseno (Ingles: Pleistocene (play /ˈplstəsn/) at may simbolong PS[1]) ang epoch na heolohiko na tumagal mula mga 2,588,000 hanggang 11,700 taon ang nakalilipas na sumasaklw sa kamakailang panahon ng paulit ulit na mga glasiasyon(pagyeyelo) ng daigdig. Ang Pleistocene ay hinango sa Griyegong πλεῖστος (pleistos "karamihan") and καινός (kainos "bago"). Ipinakilala ni Sir Charles Lyell ang terminong ito noong 1839 upang ilarawan ang strata sa Sicily na may hindi bababa sa 70% ng mga faunang molluska na namumuhay pa rin sa kasalukuyan. Ito ay nagtatangi ng epoch na ito mula sa mas matandang Plioseno na orihinal na inakala ni Lyell na pinaka-batang patong ng batong fossil. Ang Pleistoseno ay sumusunod sa Plioseno at sinusundan ng Holoseno. Ang Pleistoseno ang unang epoch ng Kwaternaryo o ikaanim na epoch ng era na Cenosoiko.[2] Ang wakas ng Pleistoseno ay tumutugon sa wakas ng huling panahong yelo. Ito ay tumutugon rin sa wakas ng panahong Paleolitiko sa arkeolohiya. The end of the Pleistocene corresponds with the end of the last glacial period. Sa iskala ng panahong ICS, ang Pleistoseno ay nahahati sa apat na mga yugto: ang Gelasian, Calabrian, Ionian at Tarantian. Ang lahat ng mga yugtong ito ay inilalarawan sa katimugang Europa. Sa karagdagan sa subdisbisyong internasyonal na ito, ang iba't ibang mga subdibisyong pang-rehiyon ay kadalasang ginagamit. Bago ang isang pagbabago sa wakas ay kinumpirma noong 2009 ng International Union of Geological Sciences, ang hangganan sa pagitan ng Pleistoseno at ang naunang Plioseno ay itinuturing na nasa 1.806 at hindi 2.588 milyong taon BP. Ang mga publikasyon mula sa mga naunang taon ay maaaring gumait ng kahit anong depinisyon ng panahon.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Geologic Age Symbol Font (StratagemAge)". USGS. 99-430. http://pubs.usgs.gov/of/1999/of99-430/of99-430_sec38.pdf. Hinango noong 2011-06-22. 
  2. Gibbard, P. and van Kolfschoten, T. (2004) "The Pleistocene and Holocene Epochs" Chapter 22PDF (3.1 MB) In Gradstein, F. M., Ogg, James G., and Smith, A. Gilbert (eds.), A Geologic Time Scale 2004 Cambridge University Press, Cambridge, ISBN 0-521-78142-6