Rabat

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Rabat
الرباط
ar-Ribāṭ Rbat

Sagisag
Rabat is located in Morocco
Rabat
Coordinates: 34°02′N 6°50′W / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Bansa Watawat ng Marukos Morocco
Rehiyon Rabat-Salé-Zemmour-Zaer
Itinatag ni Almohads 1146
Pamahalaan
 • Mayor Fathallah Oualalou[1]
Lawak
 • City 117 km2 (45.17 sq mi)
Taas[2] 75 m (246 ft)
Populasyon (2004)[3]
 • City 620,996
 • Kalakhan 1,670,192
Website http://www.rabat.ma/

Ang Rabat (pagbigkas: / ra·bát /; Arabo: الرباط, ar-Ribaaṭ, literal na "Fortified Place"; Berber: ⴻⵔⵔⴱⴰⵟ, Errbaṭ; Moroccan Arabic: ارّباط, Errbaṭ) ay ang kabisera at ikalawang pinakamalaking lungsod ng bansang Morocco na may populasyon na tinatayang 620,000 (2004)[4] at kalakhang populasyon na higit sa 1.2 milyon. Ito rin ang kabisera ng pampangasiwaang rehiyon ng Rabat-Salé-Zemmour-Zaer.

Matatagpuan ang lungsod sa may Karagatang Atlantiko sa may bunganga ng ilog Bou Regreg. Sa kabilâng pampang nito ay ang Salé, ang pangunahing tirahan Ang Rabat, Temara, at Salé ay bumubuo ng kalungsuran ng higit sa 1.8 milyong katao. Dahil sa suliranin nito sa banlik, nabawasan ang kahalagahan nito bilang isang pantalan; ngunit nananatili pa rin sa sa Rabat at Salé ang mga mahalagang industriya ng tela, konstruksiyon at food processing. Dagdag pa rito, ang turismo at mga pasuguan sa Morocco nagpapanatili sa Rabat upang maging isa sa pinakamahalagang lungsod sa bansa.

Sanggunian[baguhin]