Pumunta sa nilalaman

Realismong pansining

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bonjour, Monsieur Courbet, 1854. Isang Realistang pinta ni Gustave Courbet

Sa sining, ang realismo ay ang pagsisikap na ilarawan o ipakita ang isang paksa nang tapat, nang walang artipisyalidad at pag-iwas sa mga kumbensiyong pansining, hindi kapani-paniwala, kakaiba at supernatural na mga elemento.

Ang realismo ay naging laganap sa sining sa loob ng maraming panahon, at ito ay malaking bahagi ng isang bagay ng diskarte at pagsasanay, at ang pag-iwas sa estilisasyon. Sa biswal na sining, ang ilusyonistang realismo ay ang eksaktong depiksiyon ng uri ng búhay, perspektibo, at detalye ng liwanag at kulay. Ang mga gawang realista ay maaaring magbigay-diin sa mga gawang sining na may pagbibigay-diin sa karaniwan at pangit, tulad ng mga gawa ng realismong sosyal, rehiyonalismo, at realismong panlipunan (kitchen sink realism).

Nagkaroon din ng maraming pagkilos ng realismo sa sining, tulad ng istilong opera ng verismo, realismong pampanitikan, realismong pantanghalan, at Italyanong neorealistang sine. Ang pagkilos ng realismong pansining sa pagpipinta ay nagsimula sa Pransiya noong 1850s, matapos ang Himagsikan ng 1848. Tinanggihan ng mga realistang pintor ang Romantisismo, na lumaganap sa sining at panitikanng Pranses, na nag-ugat noong hulihan ng ika-18 dantaon.

Biswal na sining

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang realismo ay ang tumpak, detalyado at eksaktong representasyon ng hitsura ng mga tagpuan at mga bagay kung kaya't ito ay ginuguhit nang may katumpakang pampotograpiko. Ang realismo sa puntong ito ay tinatawag ding naturalismo, mimesis o ilusyonismo. Ang makatotohanang sining ay nilikha na sa maraming panahon, at ito ay naging malaking bahagi ng diskarte, pagsasanay, at pag-iwas sa estilisasyon. Ito ay nag-iwan na ng marka sa Europeong pagpipinta lalo na sa Sinauang Pinta sa mala-Netherland ni Jan van Eyck at iba pang mga pintor noong ika-15 dantaon.