Pumunta sa nilalaman

Shoichi Yokoi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Shoichi Yokoi
Kapanganakan31 Marso 1915
  • (Distrito ng Ama, Aichi, Prepektura ng Aichi, Hapon)
Kamatayan22 Setyembre 1997[1]
MamamayanHapon
Imperyo ng Hapon
Trabahomilitary personnel, kritiko

Si Shōichi Yokoi (Hapones: 横井 庄一 Yokoi Shōichi) (Marso 31, 1915 – Setyembre 22, 1997) ay isang sarhentong Hapones ng Imperyal na Hukbong Hapones (Imperial Japanese Army o IJA) noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Siya ay isa sa tatlong huling sundalo na sumuko noong matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1945.

Maagang buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Yokoi ay pinanganak sa Saori sa Prepektura ng Aichi. Siya ay naging isang bihasang sastre hanggang siya ay nasama sa hukbo noong 1941.[3]

Mga taon sa digmaan at buhay matapos ang digmaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang mga manlalakbay ay maaraing pumunta sa "Lungga ni Yokoi", isang makasaysayang pook na itinatag sa tunay na lungga ni Yokoi sa Talafofo Falls Resort Park bilang pag-aalala

Si Yokoi ay sumama sa Imperyal na Hukbong Hapones noong 1941. Sa umpisa, siya ay nasama sa 29th Infantry Division sa Manchukuo (1941-1943). Noong 1943, siya ay inilipat sa 38th Regiment sa Mariana. Siya ay dumating sa Guam mula sa Manchuria noong Pebrero 1943. Habang ang mga hukbo ng Estados Unidos ay sumakop sa Guam noong 1944 sa Digmaan ng Guam, si Yokoi ay nagtago sa pulo. Siya ay mananatiling nagtatago sa pulo hanggang 1972.[3]

Sa gabi ng Enero 24, 1972, si Yokoi ay natagpuan sa kagubatan ng Guam.[4] Siya ay natagpuan ni Jesus Duenas at Manuel DeGracia, dalawang naninirahan sa pulo na nagsusubaybay ng mga bitag ng mga hipon sa kahabaan ng isang maliit na ilog sa Talofofo. Silay ay nag-akalang isang taganayon ng Talofofo si Yokoi ngunit napagulat si yokoi at napasuko siya. Dinala nila si yokoi palabas ng kagubatan na may kaunting mga pasa.[3]

"Isang napakalaking kahihiyan sa akin na akio ay nakabalik nang buhay," sinabi niya nang nakabalik siya ng Hapon. Ang sinabi niyang ito ay magiging isang napakatanyag na kasabihan sa Hapones.[5]

Sa loob ng dalawamput apat na taon, siya ay nagtago sa isang lungga sa ilalim ng lupa sa isang kagubatan na natatakot na lumabas kahit na nakahanap siya ng mga patalastas na nagpapahayag ng pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[3]

Si Yokoi ay pangatlo sa huling sundalong Hapones na sumuko matapos ang digmaan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. https://www.nytimes.com/1997/09/26/world/shoichi-yokoi-82-is-dead-japan-soldier-hid-27-years.html.
  2. https://article.auone.jp/detail/1/2/2/340_2_r_20220611_1654922361957800.
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 "Shoichi Yokoi", Naka-arkibo 2007-06-03 sa Wayback Machine. Ultimate Guam.
  4. Mendoza, Patrick M. (1999). Extraordinary People in Extraordinary Times: Heroes, Heroes, and Villains, p. 71.
  5. Lewis, John. "Japan's WWII 'no surrender' soldier dies," CNN. September 23, 1997.