Stack (siyensiya komputadora)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Stack

Ang stack sa computer science ay isang abstract data type na ginagamit sa maraming problema tulad ng paggawa ng listahan, pag-aayos ng pagkakasunod-sunod ng trabaho na gagawin ng isang kompyuter, at iba pa. Ang ideya sa stack ay ito ay "last-in, first-out" o ang huling ipinasok sa kanya ang siyang unang lalabas. Ang memory ng isang kompyuter ay gumagamit ng stack (tinatawag na internal stack), kung saan nilalagay nito ang mga instructions na kailangan nitong gawin, upang malaman ang tamang pagkakasunod-sunod nito.

May dalawang mahalagang operasyon sa paggamit ng stack, ang tinatawag na “push” at “pop”. Ang “push” ang naglalagay ng elemento sa ibabaw ng stack, habang ang “pop” naman ang nag-aalis ng elemento mula sa ibabaw ng stack. Hindi maaring gamiting ang “pop” kapag walang laman ang stack, at hindi rin maaring gamitin ang “push” kapag puno na ang stack. Ngunit ang isang stack ay maaring isipin na hindi napupuno; napupuno lamang ito kapag ito ay ginawa sa isang kompyuter na may limitadong memorya.

Sa paggawa ng stack, importante na alam ng programmer ang “top” o ang ibabaw ng stack. Hindi kinakailangan malaman ang laman nito, ang kailangan lamang ay ang lokasyon nito. Sa paggamit ng “push”, gagalaw ang top ng isang hakbang pataas, at tska ilalagay ang elemento. Sa paggamit ng push, gagalaw pababa ang top. Importante na hindi magagamit ang pop kapag walang laman ang isang stack, dahil ibig sabihin nito ay may problema sa program na ginagamit.

Ang stack ang isa sa mga importante at simpleng paraan ng pag-aayos ng data. Isang halimbawa ng aplikasyon nito ay ang mga baraha sa larong Solitaire.



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.