Superposisyong quantum

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Superposisyong quantum (Ingles: quantum superposition) ay isang pundamental na prinsipyo ng mekanikang quantum. Ito ay nagsasaad na ang isang pisikal na sistema(halimbawa ay elektron) ay umiiral sa lahat na partikular at teoretikal na posibleng mga estado(o konpigurasyon ng mga katangian nito) ng sabay-sabay. Ngunit kung ito ay sinukat, ito ay nagbibigay ng isang resultang tumutugon sa isa lamang sa mga posibleng konpigurasyon. Sa matematikal na paglalarawan, ito ay tumutukoy sa katangian ng mga solusyon sa ekwasyong Schrödinger. Dahil sa ang ekwasyong Schrödinger ay linyar, anumang linyar na kombinasyon ng mga solusyon sa isang partikular na ekwasyon ay magiging solusyon din nito. Ang mga gayong solusyon ay kalimitang ginagawa na maging ortogonal(na ang ibig sabihin ay ang mga bektor ay nasa kanang-anggulo ng bawat isa) gaya ng mga lebel ng enerhiya ng isang elektron. Sa pagsasagawa nito, ang magkasanib na enerhiya ng mga estado ay napapawalang-bisa at ang halagang ekspektasyon ng isang operador(na anumang superposisyong estado) ang halagang ekspektasyon ng operador sa indibidwal na mga estado na pinarami ng praksiyon ng estadong superposisyon na nasa estado. Ang halimbawa ng direktang mapagmamasdang epekto ng superposisyon ang mga tuktok ng interperensiya mula sa alon ng elektron sa dalawang-hiwang eksperimento.


Pisika Ang lathalaing ito na tungkol sa Pisika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.