Pumunta sa nilalaman

Taong Kro-Manyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Taong Cro-Magnon)
Bungo ng isang taong Cro-Magnon, na nasa Musée de l'Homme o Museo ng Tao ng Paris, Pransiya.
Kudkuran Cro-Magnon - Collection "Louis Lartet" - Museum ng Toulouse

Ang Cro-Magnon (bigkas: /kroʊˈmæɡnən/, Pranses [kʀomaɲɔ̃]) ay isa mga pangunahing mga uri ng arkaiko o sinaunang Homo sapiens ng Paleolitikong Europa (Paleolitikong Pang-itaas), na ginamit para sa mga ispesimen o halimbawa ng posil o kusilba pinetsahang tinatayang mga 40,000 hanggang 10,000 mga taon na ang nakaraan. Pinangalanan ito mula sa yungib ng Crô-Magnon na nasa timog-kanlurang Pransiya, kung saan natagpuan ang unang ispesimen.

Bumabagsak ang katawagan o termino sa labas ng pangkaraniwang kumbensiyon o gawa sa pagpapangalan para sa sinaunang mga tao at ginagamit sa diwang panglahat para sa pinakamatandang moderno o makabagong taong nasa Europa, bagaman espesipiko o tiyak (ngunit napakadalas) na para sa isang kabahaging tipo o sub-tipong kabilang sa mga labi ng kanilang mga kusilba o posil. Sa mas kamakailang mga makaagham na panitikan, mas ginagamit ang kataguriang "maagang modernong mga tao".

Ang ispesimen ng Taong Cro-Magnon na may pinakamatandang tiyak na petsa ay mula 34,000 hanggang 36,000 mga taon na ang nakararaan.[1].

  1. An early modern human from the Peştera cu Oase, Romania; E Trinakus &a

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.