Thomas Gainsborough

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Thomas Gainsborough
Thomas Gainsborough by Thomas Gainsborough.jpg
Si Thomas Gainsborough, ipininta ng sarili, 1759
Tunay/Buong pangalan Thomas Gainsborough
Kapanganakan 14 Mayo 1727(1727-05-14) (binyag)
Sudbury, Suffolk, Inglatera
Kamatayan 2 Agosto 1788 (edad 61)
Kabansaan Ingles
Larangan Pintor
Mahahalagang gawa G. at Gng. Andrews
Ang Asul na Bata

Si Thomas Gainsborough (bininyagan Mayo 14 , 1727Agosto 2, 1788) ay isa sa mga pinakakilalang mga tagapinta at tagaguhit ng mga larawan ng tao at tanawin noong ika-18 dantaon sa Britanya.

Talambuhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa gulang na 14, nilisan ni Gainsborough ang Sudbury, Suffolk para mag-aral ng sining sa London. Nagbalik siya sa Sudbury noong 1746 kung saan napangasawa niya si Margaret Burr. Noong 1760, lumipat siya sa bayan ng Bath, kung saan sumikat siya bilang dibuhista ng mga larawan at mukha ng mga tao. Kumalat ang kaniyang pagsikat hanggang London. Tuluyang namalagi siya sa London noong 1774. Binawian siya ng buhay noong 1788.[1]

Larangan[baguhin | baguhin ang batayan]

Hindi siya sumang-ayon sa Ingles na kritiko at artista rin ng sining na si Ginoong Joshua Reynolds, na sumulat na hindi magagamit ng matagumpay ang asul sa pagpipinta maliban na lamang bilang isang maliit na bahagi ng isang larawan. Nagresulta ang pagtanggi ni Gainsborough sa ganitong paniniwala sa pagkakalikha niya ng dibuhong Ang Asul na Bata o Ang Batang Asul (The Blue Boy [sa Ingles]), naging isa sa mga pinakahinahangaang mga larawan sa mundo.[1]

Ipininta ni Gainsbourough si Haring George III nang walong ulit.[1]

Parangal at pagkilala[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong 1768, naging isa sa mga kasapi ng Akamenyang Royal si Gainsborough, isang samahang nagtatanghal para sa mga alagad ng sining.[1]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]