Pumunta sa nilalaman

To Kit

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Chip Tsao (ipinanganak 17 Agosto 1958) na mas kilala sa kanyang pen name na To Kit ay isang kolumnista, mamamahayag at manunulat mula sa Hong Kong. Bilang isang mamamahayag, kilala siya sa kanyang mapanlitong katatawanan.

Mag-anak at pag-aaral

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Galing siya sa distrito ng Guangxi. Ang kanyang ama'y ang pangalawang punong patnugot ng Ta Kung Pao, isang maka-kaliwang pahayagan sa Hong Kong, habang ang ina niya'y isa ring manunulat sa nabatid na pahayagan. Pinalaki siya sa Wanchai, at nag-umpisang magbasa ng panitikan sa maagang yugto ng kaniyang buhay. Pumasok si Tsao sa Pui Kiu Middle School at sa Lingnan Secondary School sa Hong Kong. Sa panahong iyon, inilathala ang kanyang mga akda sa The New Evening Post. Pumasok siya sa London School of Economics at nakakuha siya ng diploma sa pandaigdig na pakikipag-ugnayan; sa Unibersidad ng Warwick, naman siya naging Batsilyer ng Panitikang Ingles.

Nagtrabaho si Tsao bilang taga-ulat sa BBC sa loob ng walong taon, at bilang mamamahayag ng Radio Television Hong Kong, nakilala siya sa Britanya bago siya magsulat ng mga propesyonal na akda. Sa pagbalik niya sa Hong Kong, nagtrabaho siya bilang kolumnista sa maraming pahayagan at magasin, gaya ng Ming Pao, Ming Pao Monthly at Oriental Daily News.

Kinalaunan, sumama siya sa ilang mga mamamahayag para sa palatuntunan nilang 'Kasing-laya ng Hangin' sa RTHK. Noong Setyembre 2003, lumipat siya sa Commercial Radio Hong Kong, para sa programang 'Tugatog'.

Sumusulat siya ngayon para sa Apple Daily at HK Magazine.

Pananaw sa politika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Hindi na naitago ni Tsao ang kanyang pagka-inis sa kasalukuyang pamamalakad sa Hong Kong, lalo na kay Tung Chee Hwa, ang unang Punong Tagapamahala ng Hong Kong. Sa kanyang akda, lantaran niyang sinabihan si Tung na umalis na sa puwesto.

Kakaiba si Tsao dahil kahit na makakaliwa siya, pinupuri niya ang pamamalakad ng Britanya noong kolonya pa ng mga Ingles ang Hong Kong. Sa kabila nito, isa rin siyang makabansang Tsino, gaya ng nakita sa inilathala niyang artikulo sa HK Magazine na Ang Digmaan sa Tahanan noong 27 Marso 2009, sa pagtatanggol sa Tsina sa pagtatalo sa mga Pulo ng Spratly[1] Sinabi niyang hindi karapat-dapat ang Pilipinas sa pag-angkin ng naturang mga pulo dahil "bilang isang bansa ng mga tagapaglingkod, di ninyo kayang labanan ang inyong panginoon, kung saan galing ang karamihan sa iyong tinapay at keso."[2] Maraming Pilipino ang nagalit sa di-umano'y mapang-insultong artikulo ni Tsao, na nagresulta sa pagdedeklara sa kanya ng pamahalaan ng Pilipinas bilang isang persona non grata.[3] Ayon kay Senador Pia S. Cayetano ng Pilipinas, "sa halip na makatulong siya sa matinong usapan sa pagsasa-ayos ng gusot sa Spratlys, galit lang ang inani ni Tsao at nagbigay pa ito ng kalituhan hindi lang sa mga Pilipino, ngunit sa katulad din niyang mga Tsinong walang alam sa lalim ng usapan"[4] Noong 30 Marso 2008, naglabas ng paumanhin ang HK Magazine para sa pinsalang idinulot ng artikulo ni.[5] Kinabukasan, inamin ni Tsao ang kanyang pagkakamali at nagpatawad sa Pilipinas sa isang panayam sa ATV ng Hong Kong. Wika niya, "Alam ko nang sobra na ito. Ibinibigay ko na ang aking pagpapatawad."[6]

Ang kanyang mga akda, sa radyo at sa mga pahayagan, ay kalimitang patungkol sa mga sumusunod na mga paksa:

  • Pamamalakad sa Hong Kong at ang pinagkaiba ng Hong Kong sa ilalim ng pamahalaang Tsino at pamahalaang Ingles
  • Ang kahalagahan ng mga kulturang Tsino at kanluranin
  • Pinagkaiba ng mga Intsik at ng mga taga-Kanluran (sa politika at pamumuhay)
  • Mga pelikula
  • Kilalang kababaihan
  1. Tsao, Chip (2009-03-27), "The War at Home", HK Magazine, inarkibo mula sa orihinal noong 2009-03-31, nakuha noong 2009-04-01{{citation}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "HK scribe hit for calling RP 'nation of servants'", GMANews.tv, 2009-03-29, nakuha noong 2009-04-01{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Nubia, Timi (2009-03-31), "RP Consulate in Hong Kong finds 'Luisa'", ABS-CBN News, nakuha noong 2009-04-01{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. http://www.senate.gov.ph/press_release/2009/0329_cayetano1.asp
  5. Aning, Jerome (2009-03-30), "HK magazine regrets columnist's racial slur", Philippine Daily Inquirer, inarkibo mula sa orihinal noong 2009-04-02, nakuha noong 2009-04-07 {{citation}}: Unknown parameter |acceessdate= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Balana, Cynthia (2009-04-01), "HK writer: 'So sorry, I crossed the line'", Philippine Daily Inquirer, inarkibo mula sa orihinal noong 2009-04-03, nakuha noong 2009-04-07 {{citation}}: Unknown parameter |acceessdate= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)