BBC

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Korporasyong Pambrodkast ng Britanya
British Broadcasting Corporation (BBC)
Uri Pagbo-brodkast sa radyo at telebisyon
Pagkakatatag 1 Enero 1927
Pangunahing lokasyon Lungsod ng Londres, Nagkakaisang Kaharian
Mahahalagang tao Chris Patten (Tagapangulo ng BBC Trust)
Mark Thompson, (Tagapamahalang-Heneral)
Mga Manggagawa 23,000 (sa Nagkakaisang Kaharian lamang)
Websayt www.bbc.co.uk
Gusali ng Sentrong Pantelebisyon ng BBC (BBC Television Centre) sa Lungsod ng Londres

Ang Korporasyong Pambrodkast ng Britanya (Ingles: British Broadcasting Corporation), ngunit mas kilala sa tawag na BBC (at kilala din sa impormal na tawag na "the Beeb" o "Auntie"), ay ang pinakamalaking korporasyon sa larangan ng pagbrodkast sa buong mundo sa bilang ng mga parokyano nito. Mayroon itong humigit-kumulang na 23,000 manggagawa sa Nagkaisang Kaharian lamang, at may badyet na mahigit sa £4 na daplot.[1] Tungkulin ng korporasyong ito na mag-bigay ng palingkurang-publikong pagbo-brodkast sa Nagkaisang Kaharian, sa Kapuluan ng Canal at sa Pulo ng Man.

Kasaysayan[baguhin]

Itinatag noong 1922 ang kauna-unahang organisasyong pambrodkast sa buong mundo, sa pangalang Kompanyang Pangbrodkast ng Britanya (Ingles: British Broadcasting Company) ng grupo ng mga kompanyang pang telekomunikasyon—Marconi, Radio Communication Company, Metropolitan-Vickers, General Electric, Western Electric at British Thomson-Houston—para sa isang eksperimentong pampublikong pag-brodkast sa radyo. Ang unang transmisyon ay naganap noong ika-14 ng Nobyembre ng taong iyon mula sa estasyong pang-brodkast na 2LO na matatagpuan sa Marconi House, Lungsod ng Londres.[2]

Ang kauna-unahang eksperimentong pag-brodkast sa telebisyon ay sinimulan noong 1932, gamit ang elektromekanikal na 30-linyang sistemang pantelebisyon na ginawa ni John Logie Baird. Ang mas malawak na serbisyong pantelebisyon ay sinimulan noong 1936, at ito'y tinawag na BBC Television Service (ngayo'y mas kilala sa tawag na BBC One).

Nawala sa ere ang BBC Television Service nang pumutok ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig mula noong 1 Setyembre 1939 ngunit bumalik ulit ito sa ere noong 7 Hunyo 1946. Unang lumabas sa mga imahe sa telebisyon ang mukha ni Jasmine Bligh, na noo'y kinakamusta ang mga manonood.

Nawala ang monopolyo sa pagbo-brodkast sa Nagkaisang Kaharian nang inilunsad ang Telebisyong Independiente (Ingles: Independent Television, o ITV) noong 1955.

Talababa[baguhin]

  1. Pharr, Susan; Krauss, Ellis (eds.); Titulo: "Media and Politics in Japan" (Medya at Politika sa Japan); 1996; Mamahayag: University of Hawaii Press, ISBN 0-8248-1761-3; pahina: p.5.
  2. "BBC Press Office: Key BBC Dates". http://www.bbc.co.uk/pressoffice/keyfacts/stories/keydates.shtml. Nakuha noong 2006-10-28. 

Mga talaan ng aklat[baguhin]

  • Briggs, Asa. - The BBC - The First Fifty Years - Condensed version of the five-volume history by the same author. - Oxford University Press, 1985. ISBN 0-19-212971-6
  • Coulton, Barbara. - Louis MacNeice in the BBC - Writer and producer from 1941 to 1961 in the Features Department of BBC radio. - Faber & Faber, 1980. ISBN 0-571-11537-3
  • Gilder PhD., Eric. - Mass Media Moments in the United Kingdom, the USSR and the USA. - Historical background relating to the British Broadcasting Company, Ltd., its founding companies; their transatlantic connections; General Post Office licensing system; commercial competitors from Europe prior to World War II and offshore during the 1960s. - "Lucian Blaga" University of Sibiu Press, Romania. 2003. ISBN 973-651-596-6
  • Milne, Alasdair. - The memoirs of a British broadcaster - History of the Zircon spy satellite affair, written by a former Director General of the BBC. A series of BBC radio programmes called "The Secret Society" led to a raid by police in both England and Scotland to seize documents as part of a government censorship campaign. - Coronet, 1989. - ISBN 0-340-49750-5
  • Moran, Lord. - Churchill at War 1940 to 1945 - The Memoirs of Churchill's Doctor, with an introduction by Lord Moran's son, John, the present Lord Moran. - This diary paints an intimate portrait of Churchill by Sir Charles Watson, his personal physician (Lord Moran), who spent the war years with the Prime Minister. In his diary, Moran recorded insights into Churchill's character, and moments when he let his guard down, including his views about the BBC being riddled with communists. - Carroll & Graf, 2002. Reissue ISBN 0-7867-1041-1
  • Parker, Derek. - David & Charles - Radio: The Great Years - History of BBC radio programmes from the beginning until the date of publication. 1977. ISBN 0-7153-7430-3
  • Spangenberg, Jochen. - The BBC in Transition. Reasons, Results and Consequences - Encompassing account of the BBC and influencing external factors until 1996. - Deutscher Universitaetsverlag. 1997. ISBN 3-8244-4227-2
  • Wilson, H.H. - Pressure Group - History of the political fight to introduce commercial television into the United Kingdom. - Rutgers University Press, 1961.
  • West, W.J. - Truth Betrayed a critical assessment of the BBC, London, 1987, ISBN 0-7156-2182-3

Mga panlabas na kawing[baguhin]