Transistor

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Transistor (paglilinaw).
Kopya ng unang gumaganang transistor.

Sa elektronika, ang transistor o saligwil[1] ay isang aparatong semikonduktor na karaniwang ginagamit upang amplikahin, palakasin, palinawin, o palitan ang mga hudyat pang-elektronika o daloy ng kuryenteng dumaraan sa kanila.[2]

Kasaysayan[baguhin]

Noong 1948, naimbento ng tatlong Amerikanong sina William Shockley, John Bardeen, at Walter Brattain ang transistor.[2] Napalitan ng mga transistor ang mga tubong nasa loob ng mga makinang elektroniko dahil mas maliit at mas maaasahan ang mga transistor. Dahil sa mga ito, naging posible ang pagkakaroon ng mga nadadala, nabibitbit, o portableng radyo ang mga telebisyon.[2]

Paglalarawan[baguhin]

Gawa ang isang transistor sa isang solidong piraso ng isang materyal na semikonduktor, katulad halimbawa ng mga piraso ng silikon o ibang sustansiya[2], kasama ang hindi bababa sa tatlong pantapos (terminal) para sa koneksiyon sa isang panlabas na sirkwito. Binabago ng boltahe o nilapat na daloy sa isang pares na pantapos ng transistor ang daloy na umaagos ng tuloy-tuloy sa isa pang pares ng mga pantapos. Dahil maaaring mas malaki ang pinipigilang (palabas) lakas ng elektrisidad kaysa ang pumipigil (papasok) na lakas, nagbibigay ang transistor ng pagpapalakas ng hudyat. Pangunahing bahagi ang transistor ng mga makabagong elektronikong kagamitan, at ginagamit sa radyo, telepono, kompyuter at ibang elektronikong mga sistema. May mga transistor na nakabalot ng hiwalay ngunit matatagpuan ang karamihan sa kanila sa mga pinagsamang sirkito (mga integrated circuit). Binubuo ang mga transistor ng isahang mga komponente o bahagi na naglalaman naman ng ilang magkakaugnay pang mga transistor na bumubuo sa isang sirkit. Maaaring pagdugtung-dugtungin ang mga transistor upang makagawa ng maliit ngunit masalimuot o kumplikadong mga sirkito elektriko o sirkwitong pangkuryente na nakapanghahawak ng mga hudyat na katulad ng sa mga radyo at telebisyon. Halimbawa ng mga uri ng integradong sirkit ang mga mikrotsip (o mga microchip) na naglalaman ng maraming libu-libong mga transistor.[2]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Gaboy, Luciano L.. "Transistor, saligwil". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp.. (1985). "Who Invented the Transistor?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767., pahina 55.