Turismong pampagkain

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Food tourism ay isang uri ng turismo kung saan ang mga turista o ang mga iba’t ibang klase ng mga panatiko ay naglalakbay sa mga lugar para tumikim ng mga putahe at posibleng alamin kung paano ito lutuin.

Food Tourism sa Pilipinas[baguhin]

Ang bawat lugar sa Pilipinas ay may katangitanging putahe. Ang mga destinasyon ay talagang kayang maramdaman gamit ang limang pakiramdam. Dumadagdag sa karanasan at memorya ang mga pagkaing natitikman sa kanilang paglalakbay.

Pampanga[baguhin]

Bilang ang tinagurian na sentro na pagkain sa buong Pilipinas, ang Pampanga ang kadalasang dinadayo ng mga panatiko pagdating sa food tourism. Dito makakakin ka ng masarap na sisig (isang putahe na gawa sa ulo ng baboy), tibok-tibok (minatamis na gawa sa gatas ng kalabaw) at ang pamosong halo-halo ng Razon’s (espesyal ito dahil hindi katulad ng ibang halo-halo, nagyelong gatas ang ginagamit dito at hindi ito naglalaman ng mga makukulay na sangkap).

Ilocos[baguhin]

Sa bandang itaas pa ng archipelago ay matatagpuan ang iba’t ibang klase ng putaheng gawa sa baboy. Dalawa sa pinaka pamosong pagkain na makikita sa rehiyon na ito ay ang bagnet (isa pang tawag sa ilocanong chicharon) at ang longanisa.

Bicol[baguhin]

Sa timog na bahagi ng Luzon matatagpuan ang isang lugar kung saan talamak ang mga pagkaing maanghang. Pinaka pamoso sa rehiyon na ito ang Bikol express kung saan ang sili ay tinadtad ng pino at niluto sa gata at nilagyan ng karne ng baboy. Para sa mga malakas ang loob, meron din silang tinatawag na Siling Labuyong Ice Cream.

Cebu[baguhin]

Pamoso ang central ng Visayas sa kanilang kakaibang pagluto ng litson. Hindi mo na kinakailangan ng sawsawan para kainin ang litson na ito dahil sobrang malasa na ito. Isnasama nila ang ibatibang pampalasa sa loob ng baboy bago ito lutuin kaya mas nanonoot ang lasa.