Usapan:José Rizal

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Tuldik[baguhin | baguhin ang batayan]

Karaniwang hindi ginagamitan ng mga tuldik (diacritics) ang mga pangalan sa Filipino (lalu na kung ito ay Filipino) sa kasalukuyan.

Uunahin ko na hindi ko kinokontende ang pagbalik ng naunang pamagat ng artikulo, basta’t nililinaw mismo sa heading ang nararapat na pagsulat ng pangalan. Kakailanganin na rin sigurong manatili ng redirect mula sa José Rizal na maaaring itayp sa search box ng mga nagsasalita o mga estudyante ng Espanyol.
Maaaring hindi nahahalaga ang paggamit ng mga dyakritiko sa Filipino, ngunit paramount ito sa Espanyol, at isang pangalang Espanyol ang José at malinaw na gumagamit ng kombensyong Espanyol ang kanyang buong pangalan (pansinin ang y at ang pagsunod ng maiden name ng ina sa apelyido). --Život
Hindi dapat mag-alala, mananatili pa rin ang José Rizal bilang redirect ng Jose Rizal upang matugunan ang pangangailangan ng kombensyong Espanyol at kombensyon ng kasalukuyang Filipino. Mapapansin din na nananatili ang kombensyong Espanyol sa unang pangungusap sa artikulo. -- Bluemask 14:32, 26 Jun 2005 (UTC)


Apelyidong Rizal[baguhin | baguhin ang batayan]

Nilipat mula sa Rizal’s Baptism

He was baptized JOSE RIZAL MERCADO at the Catholic church of Calamba by the parish priest Rev. Rufino Collantes with Rev. Pedro Casañas as the sponsor.

That’s interesting. Maybe then the article in the English Wikipedia should be modified. --Život

Ipinost ko sa pahinang Talk ng Inggles na bersyon ng artikulo ang impormasyong ito. Makakatulong ito sa pagbibigay-liwanag. --Život

Mukhang hindi lamang na di-magkasalungat ang dalawang vyu, kundi pareho silang tama. Ayon sa mga kasagutang nakuha mula sa Reference desk ng Wikipedia-ng Inggles:
“[H]is father's name was Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro, so he was born with it, yes, but possibly the family only used Mercado (diin dinagdag).”
Kung bakit ginawa ni José na gamitin ang Rizal sa halip na Mercado, ang paliwanag dito, ayon sa lingk na ibinigay, ay:
“Unfortunately, when young Jose applied to attend college in Manila under his real name, his application was rejected because he was related to Paciano Mercado, his brother, who was a known activist and an associate of Fr. Jose Burgos, the martyred priest. … Following Paciano’s advice, Jose changed his name to the first three names on his birth certificate….”
Sa ganyan, ang José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda (mga apelyido nakapula) ay naging na lamang José Protacio Rizal, mismo nang itinatanggal ang mga apelyido ng kanyang ama at ina mula sa kanyang pangalang legal at ginagawang kanyang apelyido ang Rizal. --Život

Maari na bang idagdag ang patungkol sa bautismo, o mayroon pa ring diskusyon hinggil rito? Tomas De Aquino 01:36, 20 July 2005 (UTC)

Yung nagawang itukoy doon sa Reference desk ay yung kapanganakan lamang ni Rizal; hindi ko masasabi na maaari din itong tumukoy sa pagkabinyag. However, since you have information relating to the baptism specifically, why not include it in the article? --Život

Dagdag na lamang po tungkol sa "Apelyidong Rizal". Napag-usapan na rin ito sa English Wikipedia. Nalaman doon na noong 1849, inutos ni Gobernador-Heneral Narciso Claveria ang lahat ng pamilyang Pilipino na magrehistro ng bagong apelyido para sa pamilya nila. (Pipili sila mula sa isang listahan na ibinigay ng awtoridad na Espanyol. - ang Catálogo alfabético de apellidos) Pinili ni Francisco Mercado ang pangalang "Rizal" para sa pamilya niya, at siya'y naging Francisco Rizal (Hindi kasama ang pangalang Rizal sa listahan na ibinigay). Subalit, dahil kilalang negosyante/mangangalakal si Francisco, nalito ang mga kasama niyang negosyante dahil kilala nila si Francisco bilang "Francisco Mercado", at hindi "Francisco Rizal". Kaya naman tinawag ni Francisco ang sarili bilang "Francisco Rizal Mercado". Pinili naman ng mga anak Lorenzo Alberto Alonso ang pangalang "Realonda". Kaya naman si Teodora Alonso (nanay ni Rizal) ay naging Teodora Alonso Realonda. Dito nanggaling ang apelyidong Rizal at ang pangalang Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda. (Sa madaling salita, Rizal talaga ang apelyidong ng buong pamilya, hindi kay Jose o kay Francisco lamang).125.60.243.115 15:58, 21 Enero 2008 (UTC)

Pangalawang Pangalan ni Rizal: Protasio[baguhin | baguhin ang batayan]

Mula sa Talk:José Rizal (sa English Wikipedia)

I can verify the spelling of Rizal's second name. It is Protasio, after San Protasio (Saint Protase), Bishop of Milan whose feast day is June 19 in the Roman Catholic Calendar. There is no such saint as San Protacio, only San Protasio (See Catholic Encyclopedia, List of Saints, etc.). Furthermore, I am a Filipino historian, and I've seen Rizal's extant diplomas from Ateneo de Manila with his name clearly spelled, "José Protasio Rizal". Fadulj (talk) 10:41, 29 May 2008 (UTC)