Valonia

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang Valonia sa pula, sa timog ng Belhika.
Watawat ng Valonia

Ang Rehiyong Valon (Pranses: Région Wallonne) o sa maigsing kataga, Valonia (Pranses: Wallonie; Ingles: Wallonia; Aleman: Wallonie)[1] ay ang nagpa-Pranses na rehiyon sa timog ng Belhika. Susasaklaw ito sa 55% ng lupang teritoryo ng Belhika at 33% ng populasyon ng bansa. Ang "Rehiyong Valon" ay ang katagang nagtutukoy sa pamahalaang pang-rehiyon ng Valonia. Ang malaking bahagi ng Valonia ay pinangangasiwaan ng Pamayanang Pranses ng Belhika sa mga bagay na ukol sa kultura at edukasyon. Ang maliit na pamayanang nag-a-Aleman dito ay bumubuo sa Pamayanang Nag-a-Aleman ng Belhika, at mayroon itong sariling pamahalaan at batasan sa mga bagay-bagay pangkultura.

Ang tawag sa mga mamamayan ng Valonia ay mga Valon[2] (bigkas: ba-LON; Ingles: Walloon)[3]. Ang Wikang Valon (Walon) ay isang nagtatanging wika na kapamilya ng Pranses; iba ito sa tinatawag na Pranses ng Belhika[4] (français de Belgique).

Ang kabisera ng rehiyon ay ang lungsod ng Namur, ang pinakamataong kalahkan dito ay ang Lieja (Pranses: Liège) at ang pinakamataong lungsod ay ang Charleroi.

Tignan din[baguhin]

Talasanggunian[baguhin]

  1. Región Valona (Spanish Wikipedia)
  2. valón -na. ‘De la zona francófona de Bélgica’: «Supo ser un árbitro genial entre los valones y los flamencos» (Mundo [Esp.] 12.7.94). Se desaconseja la grafía Marca de incorrección.walón.
  3. Wallonia (English Wikipedia)
  4. E.B. Atwood, "The phonological divisions of Belgo-Romance", in Orbis, 4, 1955, pp. 367-389.

Bibliography[baguhin]

  • Johannes Kramer (1984) (sa German). Zweisprachigkeit in den Benelux-ländern. Buske Verlag. ISBN 3871185973. 

Mga koordinato: 50°30′N 4°45′E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator