Vans

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Vans ay isang companya na gumagawa ng mga Sneakers, sapatos pang skateboarding, sapatos pang BMX, bota na pang snowboarding at iba pa.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

16 Marso 1966 sa 704 E. Broadway, Anaheim, California, ang magkakatapid na sina Paul Van Doren at James Van Doren kasama ang tatlo pang kasosyo ay nagbukas ng kanilang kauna-unahang tindahan. Natatangi ang Van Doren Rubber Company dahil direkta nilang binebenta sa publico ang kanilang ginagawang sapatos. Sa araw ng una nilang pag bukas, 12 ang namili ng kanilang Vans deck shoes na ngayon ay binansagan nang Authentic. Ang mga sapatos na sinimulang gawin ng umaga ay handa na upang kunin sa hapon.

Patuloy na lumago ang companya noong 1970s. Nadadagan ang produkto nila at gumawa sila ng wool lined canvas at rubber Mukluks na kaakibat sa kontrata nila sa ilalim ng Department of Defense at ng U.S. Air Force. Natipuhan ng mga skateboarders ang napaglumaang itsura at madikit na talampakan at inirampa ito sa kabuuan ng Southern California sa unang dako ng 1970s. Taong 1975, ang Vans #95, o kilala ngayon na Era, ay ipinanukala ni Tony Alva at Stacy Peralta. Mayroon itong padded collar, iba't ibang kombinasyon ng kulay na mga rason upang ang sapatos na ito ang maging ibig ng mga skateboarders sa heneresyong iyon. Isa pang rason ang hindi nakakadulas na suwelas. Sa taong 1966, inilabas ng Vans sa publiko ang #44 na sapatos nila sa tulong ng skateboarders at BMX riders, pinagkaguluhan sa Southern California ang Vans Slip-On. Sa pag tapos ng 1970s, nagkaroon ng sumatutal sa 70 na tindahan sa California ang Vans at nakapagbenta ng sapatos sa loob at labas ng bansa sa pamamagitan ng mga komersyante.

Sa pag pasok ng taong 1980s, nagsimula nang kumonti ang tungkulin ni Paul Van Doren sa mga aktibidad ng kompanya. Sa puntong ito, kumilos ang kompanyang Vans na gumawa ng sapatos para sa mga isport na skateboarding, wakeboarding, motor cross, pati surfing upang labanan ang matatayog na na athletic shoe companies. Nakakuha ang Vans Slip-ons ng atensiyon at samo sa pandaigdig nang isuot ito ni Sean Penn sa kabataang pelikula na Fast Times at Ridgemont High taong 1982. Kahit na matayog ang pag benta ng ubod na sapatos ng Vans, ang malawak na hanay ng produkto na inihahandog ng kompanya ay inuubos ang kanilang hilaw na materyales, at dahil hindi nila mabayaran ang kanila utang, sapilitan silang nagsakdal ng pagka bangkarota noong 1983.

Makalipas ang tatlong taon, nabayarang ng Vans ang lahat ng pinagkakautangan at lumitaw na sa pagkaka bangkarota. Taong 1988, ipinagbili ang Vans ng mga orhinal na may ari sa kompanya na pamumuhunang bangko. Marami nang beses naibenta ang kompanya; kamakailan lamang taong 2004 sa Greensboro, N.C.-based VF Corp. kapalit ang $396 miyon. Si Steve Van Doren, anak ng isa sa mga tagapagtatag na si Paul Van Doren, ay nagtatrabaho parin sa kompanya kasama ang kanyang kapatid na si Cheryl at anak na si Kristy. Isinara ng Vans ang pabrika nila sa Orange, California at nagsimulang yumari ng sapatos sa ibang lupain taong 1994. Sa taon rin na ito tinangkilikan ng Vans ang serye ng "Inagural Triple Crown" at nagbunga sa kalipunan ng Vans Triple Crown. Taong 1998, nag bukas ang Vans ng 46,000-sqaure-foot (4,300 m^2), indoor-outdor Vans skate park sa the Block sa Orange, California at taong 2002 isang enclosed skatepark ang binuksan sa Festival Bay Mall sa International Drive Orlando, Florida. Sa mga taong 2000 at 2001, nagbigay pugay ang "Forbes" sa Vans bilang isa sa mga "America's Best Small Companies." Taong 2004, inilunsad ng Vans ang Vans Customs sa kanilang website. Nagkaroon ng pahintulot ang mga mamimili na mag disyenyo ng sarili nilang pares ng Vans Slip-Ons, mid-cuts, low-cuts, at high-tops. Sa panahon ngayon, pinapayagan din ang pag disenyo ng Era, Slip-on, Old Skool, at 106 Vulcanized shoes.

Ang Vans ang pangunahing may panukala ng Warped Tour music festival simula noong 1995. Pinanghahawakan din nito ang karapatang ng pag pangalan sa BOWL-A-RAMA.

Nagpapatayo ang kompanya ng kauna-unahan nitong libreng skate park na ibubumukadkad sa publiko sa Huntington Beach, California. May sukat ito na 50,000 square feet (4,600 m^2) at mag babayad ang Vans sa lungsod ng $1 bawat taon para sa 20-taong paupahan.

Mga Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. ^ "VF labas nakumpleto acquisition ng Eagle Creek, Inc" .
  2. ^ . Fletcher, Jaimee Lynn (28 Enero 2012) "HB OKs lease para sa unang libreng Vans isketing parke" . Ang Orange County Register : p. Ang lokal .

http://www.vans.net.au/wawcs0130206/tn-history.html