Pumunta sa nilalaman

Water for All Refund Movement

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Water for All Refund Movement (WARM) ay isang kusang kilusan ng mga konsumidor na sinusuplayan ng tubig ng Manila Water Company Inc. (MWCI) sa Sonang Silangan at Maynilad Water Services (MWSI) sa Sonang Kanluran ng Kalakhang Maynila, sa ilalim ng Kansuduan ng Konsensiyon na kanilang nilagdaan sa pagsasapribado ng serbisyo ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) noong 1997.

Layunin ng samahang ito na isulong at pangalagaan ang kapakanan at karapatan ng mga konsyumer sa ilalim ng isinapribadong serbisyo ng tubig na dapat sana’y obligasyon ng pamahalaan, partikular ng MWSS sa ilalim ng mandato nito sa batas, subalit ipinasa sa pribadong sektor.