Wikang Maltes

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Maltes
Malti
Ginagamit sa Flag of Malta.svg Malta

Flag of Australia.svg Awstralya
Flag of Canada.svg Kanada
Flag of Gibraltar.svg Hibraltar
Flag of Italy.svg Italya
Flag of the United Kingdom.svg Nagkakaisang Kaharian
Flag of the United States.svg Estados Unidos[1]


Bilang ng mga tagapagsalita 371,900 (1975)[2]
Pamilya ng wika Aproasyatiko
Opisyal na Katayuan
Opisyal na Wika sa Flag of Europe Unyong Europeo
Watawat ng Malta Malta
Pinamamahalaan ng Il-Kunsill Nazzjonali ta' l-Ilsien Malti
Mga kodigong panwika
ISO 639-1 mt
ISO 639-2 mlt
ISO 639-3 mlt
Lingwaspero

Ang Wikang Maltes (Malti, Ingles:Maltese, Espanyol:Maltés, Latin:Lingua Melittica) ay ang pambansang Wika ng Malta, at isa sa mga opisyal na wika ng Unyong Europeo. Ito lamang ang wikang Semitiko na gumagamit ng Alpabetong Latin.

Mula sa kanyang ponolohiya, dinadala ng Wikang Maltes ang pagkakapareho sa mga kaibahan ng Arabe Tunisio at ng iba pang wika ng Hilagang Aprika. Sa buod ng kasaysayan, marami ang naging hiram na mga salita, mga ponetiko at anyong ponolihikal, at maging ang mga anyong pangungusap ng Wikang Italyano at Wikang Sisilyano, habang ang maraming salita, (ang iba na may anyong pangmaramihan) ay hiniram mula sa Wikang Ingles.

Ang Wikang Maltes ay naging opisyal na wika ng Malta noong 1936 kasama ng Wikang Ingles. May ilang din tagapagsalita ng Maltes sa mga bansang Australia, Estados Unidos, Canada, at Gibraltar. Nito lamang ay ibinalitang marami pa rin ang gumagamit ng naturang wika sa Tunisya ng mga may lahing Maltes.

Bokabularyo[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang bokabularyong Maltes ay hinango mula sa mga wikang Semitiko at mga Wikang Indo-europeo tulad ng Italyano, Sisilyano, at Ingles.

Mga Salita mula sa Romanse[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang ilan ay halimbawa ng mga salita sa Maltes na hiram sa mga Wikang Romanse tulad ng Italyano at Sisilyano:

Maltes Sisilyano Italyano Latin Ingles Filipino Arabo
Skola Scola Scuola Schola School Paaralan مدرسة (madrassah)
Gvern Cuvernu Governo Governo Government Pamahalaan حكومة (ḥukūmah)
Repubblika Ripùbblica Repubblica Res Publica Republic Republika جمهورية (ǧummhūriyyah)
Re Re Re Re King Hari ملك (malik)
Natura Natura Natura Natura Nature Kalikasan طبيعة (ṭabīʿah)
Pulizija Pulizzìa Polizia Policia Police Pulis شرطة (shurta)
Ċentru Centru Centro Centro Centre Sentro مركز (markaz)
Teatru Tiatru Teatro Theatro Theatre Teatro مسرح (masraḥ)

Mga Pagkakapareho mula sa Sikulo-Arabe[baguhin | baguhin ang batayan]

Marami rin ang pagkakapareho sa pagitan ng Maltes at ng mga salita ng Sisilyano na hango sa Arabe. Ang ilan ay mga halimbawa:

Sikulo-Arabe Maltes Ingles Filipino
Babbaluciu Bebbuxu Snail Susò
Caponata Kapunata Caponata Kaponata
Cassata Qassata Sicilian cake Pastel Sisilyano
Gebbia Ġiebja Cistern Tubig-tambakan
Giuggiulena Ġunġlien Sesame seed Binhi ng sesame
Saia Saqqajja Canal Kanal
Tanura Kenur Oven Oben
Zaffarana Żaffran Saffron Kasubha
Zagara Zahar Blossom Halimuyak
Zibbibbu Żbib Raisins Raisin
Zuccu Zokk Tree trunk tangkay ng puno

Mga Salitang hiram mula sa Ingles[baguhin | baguhin ang batayan]

Tinatayang mula anim hanggang dalawampung bahagdan ng wikang Maltes ay hango sa Ingles. Ang ilan ay mga halimbawa:

Maltes Ingles Filipino
Futbol Football Futbol
Baskitbol Basketball Basketbol
Mowbajl Mobile [Phone] Mobayl [telepono]
Lift Lift/Elevator Elebeytor
Friġġ Fridge Reprihadora
Friżer Freezer Priser
Wejter Waiter Weyter
Biljard Billiard Bilyard
Strajk Strike Strayk
Plejer Player Manlalaro
Frejm Frame Preym
Bliċ Bleach Blits
Fowlder Folder Polder
Kompjuter Computer Ordenador
Spikers Speakers Mga Tagapagsalita
Televixin Television Telebisyon
Tojlit Toilet Banyo

Mga Diksyonaryo[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang buong artikulo o mga bahagi nito ay isinalin magmula sa artikulong Maltese language ng Ingles na Wikipedia, partikular na ang bersiyong ito.

Kawing Panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]

Organisasyon
Teknolohiya at Maltes
Pagsasahimpapawid sa Maltes
Literatura and Kawikaan
Pagsasalin sa Maltes
Mga Glosaryo at Pwente ng Wikang Maltes (Patuloy lamang pong magdagdag ng inyong impormasyon dine)