Wikang Manx

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang wikang Manx, kilala sa Manx bilang "Gaelg" o "Gailck"), ay isang sinasalitang wika sa Pulo ng Tao. Isa ito sa mga wikang Keltiko ng mag-anak ng mga wikang Goideliko. Kasama ito sa loob ng katulad na pamilyang kinabibilangan ng Eskoses na wikang Gaeliko at wikang Irlandes. Ang Manx ay winiwika lamang ng mga taong natutong magsalita nito dahil sa kanilang pagkahalina rito. Nawalan ito ng buhay bilang isang likas na wikang pampamayanan noong ika-20 daantaon. Ang pinakahuling matatandang katutubong mga tagapagsalita ay namatay noong 1974.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Nagsimulang maiba ang Manx mula sa Panggitnang Wikang Irlandes noong bandang 900 hanggang 1600 AD, at tinawag itong Yn Ghaelg o Yn Ghailck ng mga tagapagwika ng Manx. Naging pakaunti nang pakaunti ang mga nagsasalita ng Manx noong ika-19 daantaon at ang wikang ito ay napalitan ng Ingles. Noong 1901, 9% ng mga tao sa Pulo ng Tao ang nagsasalita ng Manx ngunit bumaba ito na naging 1% na lamang noong 1921. Sa kasalukuyan, ginagamit lamang ang Manx bilang isang wikang itinuturo sa limang mga pre-school o "pre-eskuwela" ("bago ang [pormal na] paaralan) sa Pulo ng Tao. Itinuturo ang Manx bilang isang pangalawang wika sa lahat ng mga paaralang primarya at sekundarya ng Pulo ng Tao.

Ang Manx sa kasalukuyan[baguhin | baguhin ang batayan]

Pangkasalukuyang may isang paaralan na nagtuturo ng lahat ng mga leksiyon sa wikang Manx. Ayon sa senso ng 2001, may 2.2% ng populasyon sa Pulo ng Tao na nakakapagsalita ng wikang Manx. Pangkasalukuyang may 54 na tagapagsalita ng Manx bialng pangunahin o unang wika.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]


WikaEuropa Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika at Europa ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.