Wikipedia:Sariling talambuhay

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Walnut.png Ang buod ng patakaran o panuntunang ito:
Nilalaman ng mga talambuhay, at hindi mga sariling talambuhay, ang Wikipedia. Umiwas po sa pagsulat o pamamatnugot ng artikulo tungkol sa inyong sarili, maliban na kung may aayusin kang pahayag ng katotohanan (statements of fact).

Mahigpit na hinihikayat ang mga patnugot ng Wikipedia na huwag sumulat ng mga autobiyograpiya o sariling talambuhay, maliban kung pinahintulutan ito ng ibang mga manunulat ng pamayanang Wikipedia. Dapat lang ring mamatnugot ng iyong sariling artikulo sa mga malilinaw na kaso. Sa mga kasong ito, napapanatili ang neutralidad ng Wikipedia at iniiwasan ang pagsulong ng anumang pananaw o punto de bista.