World Cup 2010 (Futbol)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
World Cup 2010 (Futbol)
Timog Aprika 2010
Ang opisyal na logo ng Pandaigdigang Laro ng Putbol 2010
Mga detalye ng paligsahan
(Mga) punung-abalang bansa Watawat ng Timog Aprika Timog Aprika
Mga petsa 11 Hunyo – 11 Hulyo
Mga kuponan 32 (mula 6 kalaguman)
(Mga) lugar nga pagdaraos 10 (sa 9 punung-abalang bansa)
2006
2014

Ang World Cup ng Futbol ng 2010 ay ang ika-19 na edisyon ng pagdaraos ng World Cup ng Futbol, ang pangunahing paligsahan ng mga bansa sa larong futbol. Ito ginanap mula Hunyo 11 hanggang Hulyo 11 sa siyam na siyudad sa South Africa. Ang pandaigdigang paligsahan na ito ay magiging rurok ng isang prosesong pangkwalipikasyon na nagsimula noong Agosto 2007 at isinali ang mga 204 ng 208 Mga pambansang kuponan ng FIFA. Bilang nabanggit na, umaakma ito sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008 bilang kaganapang pampalakasan na may mga bansang nakipagpaligsahan.

Ito ay unang pagkakataong ang paligsahan ay mapapamunuang-abala ng isang bansang Aprikano, pagkatapos talunin ng Timog Aprika ang Moroko at Ehipto sa isang proseso sa anyayang panlahatang-Aprikano. Ang pasyang ito ay iniwan na sa Kalaguman sa Sipaan ng Bola ng Oseanya bilang ang kalaguman lamang datapwat na magpunong-abala ng Pandaigdigang Laro ng Sipaan ng Bola. Pangunahing kampeonato pa ang Italya. Ang bunutan para sa kaganapang pangwakas ay ginanap noong 4 Disyembre 2009 sa Kabong Bayan.

Pagpili ng Punong-abala[baguhin]

Nagbubunyi ang mga tagahanga sa pagdating ng Pandaigdigang Laro ng Sipaang-bola 2010 sa Timog Aprika (Look Camps, Kabong Bayan)

Napili ang Aprika bilang punong-abala para sa Pandaigdigang Laro ng Sipaang-bola 2010 bilang bahagi ng bagong patakaran upang mabiling ang kaganapan sa mga kalaguman sa sipaang-bola (na pagkatapos ay tinalikdan noong Oktubre 2007). Nagsagawa ng paanyaya ang limang bansang Aprikano upang maging punong-abala ng pandaigdigang paligsahang ito.

Pagsunod sa pasya ng Lupong Pantagapagpaganap ng FIFA na hindi pahintulutang magkaroon ng magkatuwang na punong-abala sa paligsahan, umatras ang Tunisya sa proseso ng anyaya. Nagpasya rin ang lupon na huwag pataanin ang bugtong na paanyaya ng Libya dahil hindi na ito nasaluno ang lahat ng mga bagay na napagkasunduan na inilaan sa Opisyal na Talaan ng mga Bagay na Kinakailangan.

Pagkatapos ng unang yugto ng paghahal, ipinahayag ni Sepp Blatter ang nanalong paanyaya sa pagpupulong pangmedia noong 15 Mayo 2004 sa Zürich. Iginawad sa Timog Aprika ang mga karapatan na mamunong-abala ng paligsahan, kung saan natalo ang Moroko at Ehipto.[1]

Mga resulta ng halalan
Bansa Mga boto
Watawat ng Timog Aprika Timog Aprika 14
Watawat ng Marukos Moroko 10
Watawat ng Egypt Ehipto 0
  • Watawat ng Tunisya Tunisya umatras noong 8 Mayo 2004 pagkatapos ng di-pagpayag sa pagsasamang anyaya
  • Watawat ng Libya Libya ibinasura ang paanyaya: hindi nasaluno ang paanyaya at hindi pinayagan ang pagsasamang anyaya

Noong 2006 at 2007, nakalat ang mga sabi-sabi sa iba't ibang pinagkunan ng balita na ang Pandaigdigang Laro 2010 ay ililipat sa iba pang bansa.[2][3] Ang ibang tao, kabilang sina Franz Beckenbauer, Horst R. Schmidt at mga ibang nasa tagapagpaganap na inuulat ay naghiwatig ng alintana sa pagpaplano, organisasyon, at mga hakbang ng paghahanda ng Timog Aprika.[2][4] Gayumpaman, naghiwatig nang paulit-ulit ang mga opisyal ng FIFA ng panibulos sa Timog Aprika bilang punong-abala, naghahayag na ang isang planong pasumala ay umiiral lamang upang ilingid ang mga likas na pangyayaring di-inaasahan, na katulad din sa mga nakaraang Pandaigdigang Laro ng Sipaang-bola.[5]

Kwalipikasyon[baguhin]


Bilang punong-abalang bansa, kusang kasali ang Timog Aprika sa paligsahan. Datapwat lumahok ang Timog Aprika sa paligsahang pangkwalipikasyon ng Pandaigdigang Laro sapagkat ang pangkwalipikado ng CAF ay nagsisilbi ring paligsahang pangkwalipikasyon para sa Laro ng mga Bansang Aprikano 2010. Sila ang unang punong-abala noong 1934 na lumahok sa paunang kwalipiko. Nang nangyari sa naunang paligsahan ang huling kampeonato ay hindi binigyan nang kusa ng posisyon bilang bahagi ng pandaigdigang paligsahan, at kailangang lumahok ang Italya sa kwalipikasyon.

Ang labanang pangkwalipikasyon ukol sa Pandaigdigang Laro 2010 ay ginanap sa Durban, Timog Aprika, noong 25 Nobyembre 2007.

Talaan ng mga Kwalipikadong Kuponan[baguhin]

Ang mga sumusunod na 32 kuponan na kwalipikado para sa paligsahang pangwakas.


AFC (4)
CAF (6)


CONCACAF (3)
CONMEBOL (5)
OFC (1)


UEFA (13)


Ang mga kwalipikadong bansa ay nakakulay ng luntian. Para sa Daan sa iba pang mga saklaw, tingnan dito.

Maskot at Bola[baguhin]

Zakumi, ang maskot ng Pandaigdigang Laro ng Sipaan ng Bola 2010

Opisyal na Maskot[baguhin]

Ang opisyal na maskot para sa Pandaigdigang Laro ng Sipaan ng Bola 2010 ay si Zakumi (ipinanganak noong 16 Hunyo 1994), isang antropomorpikong leopardo na may luntiang balahibo. Ang kanyang pangalan ay nagmula sa pandaigdigang daglat na "ZA" na para sa Timog Aprika, at "kumi', isang salita na nangangahulugang "sampu" sa mga iba't ibang wikang Aprikano[6] Ang mga kulay ng maskot ay nagsasalamin sa mga panlarong lapat ng punong-abalang bansa - dilaw at luntian.

Ang kaarawan ni Zakumi ay nagkataong kasabay sa Araw ng Kabataan na kinikilala at ipinagdiriwang sa Timog Aprika at ang kanilang labanang pampangkat. Ang taong 1994 ay palatandaan ng unang halalan ng mga pantay-pantay na lahi sa Timog Aprika. Siya ay magiging 16 taong gulang sa 2010.[7]

Ang opisyal na bansag ni Zakumi ay: "Ang laro ni Zakumi ay Patas na Laro." Nakita ang bansag sa mga andamyong pampatalastas na pandalirian sa kapanahunan ng Pangkalagumang Laro ng Sipaang-Bola 2009 at mabubungad ito sa Pandaigdigang Laro ng Sipaan ng Bola 2010[7]

Bolang panlabanan[baguhin]

Ang bolang panlabanan para sa Pandaigdigang Laro ng Sipaan ng Bola 2010 ay ipinangalang "Jabulani", gawa ng Adidas, na ibig sabihing "naghahatid ng kaligayahan sa bawat isa" sa wikang Zulu. Ang bilang na labing-isa ay gumaganap ng isang tanyag na tungkulin sa bagong panteknolohiyang bolang nauuna: ito ay panlabing-isang bolang panlabanan na ginawa ng tagagawang Aleman ng kagamitang pampalakasan; nagbabantad ito ng labing-isang kulay, isa para sa bawat manlalaro sa rurok; at may labing-isang wika ng Timog Aprika. Pati na rin, ang kaganapan ay magsisimula sa ika-labing-isang araw ng Hunyo at magtatapos ng ika-labing-isang araw ng Hulyo.[8]

Mayroong din mga mamumuna ng bola. Sabi ni Víctor Valdés, ang tagabantay ng pithaya ng FC Barcelona: "Natatakot ako sa bola, hindi inaasahan".[9]

Mga lugar ng pagdaraos[baguhin]

Noong 2005, inilabas ng mga tagapagsaayos ang isang pansamantalang talaan ng labindalawang lugar ng pagdaraos na gagamitin sa Pandaigdigang Laro: Bloemfontein, Kabong Bayan, Durban, Johannesburg (dalawang lugar ng pagdaraos), Kimberley, Nelspruit, Orkney, Polokwane, Port Elizabeth, Pretoria, at Rustenburg. Nabawasan ito sa sampung lugar ng pagdaraos[10] na opisyal na ipinahayag ng FIFA noong 17 Marso 2006:

Johannesburg Durban Kabong Bayan Johannesburg Pretoria
Lungsod Saker Istadyum ng Moses Mabhida Istadyum ng Kabong Bayan Istadyum ng Liwasang Ellis Istadyum ng Loftus Versfeld
26°14′5.27″S 27°58′56.47″E / 26.2347972°N May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / 26.2347972; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator (Soccer City) 29°49′46″S 31°01′49″E / 29.82944°N May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / 29.82944; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator (Moses Mabhida Stadium) 33°54′12.46″S 18°24′40.15″E / 33.9034611°N May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / 33.9034611; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator (Cape Town Stadium) 26°11′51.07″S 28°3′38.76″E / 26.1975194°N May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / 26.1975194; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator (Ellis Park Stadium) 25°45′12″S 28°13′22″E / 25.75333°N May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / 25.75333; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator (Loftus Versfeld Stadium)
Kakayahan: 94,700 Kakayahan: 70,000 Kakayahan: 69,070 Kakayahan: 62,567 Kakayahan: 51,760
Port Elizabeth Bloemfontein Polokwane Rustenburg Nelspruit
Istadyum ng Look Nelson Mandela Istadyum ng Malayang Estado Istadyum ng Peter Mokaba Istadyum ng Royal Bafokeng Istadyum ng Mbombela
33°56′16″S 25°35′56″E / 33.93778°N May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / 33.93778; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator (Nelson Mandela Bay Stadium) 29°07′02.25″S 26°12′31.85″E / 29.1172917°N May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / 29.1172917; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator (Free State Stadium) 23°55′29″S 29°28′08″E / 23.924689°S 29.468765°E / -23.924689; 29.468765 (Peter Mokaba Stadium) 25°34′43″S 27°09′39″E / 25.5786°S 27.1607°E / -25.5786; 27.1607 (Royal Bafokeng Stadium) 25°27′42″S 30°55′47″E / 25.46172°S 30.929689°E / -25.46172; 30.929689 (Mbombela Stadium)
Kakayahan: 48,000 Kakayahan: 48,000 Kakayahan: 46,000 Kakayahan: 44,530 Kakayahan: 43,589

South Africa 2010 FIFA World Cup.svg

Durban
Port Elizabeth
Nelspruit
Rustenburg
Pretoria
Bloemfontein
Johannesburg
Kabong Bayan
Polokwane

Tingnan din[baguhin]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. "Punong-abala ng Pandaigdigang Laro ng Sipaang-bola 2010 - Timog Aprika". FIFA. 15 Mayo 2004. http://www.fifa.com/en/media/index/0,1369,101476,00.html. Hinango noong 8 Enero 2006. 
  2. 2.0 2.1 Luke Harding (12 Hunyo 2006). "Doubt over South Africa 2010". London: The Guardian. http://football.guardian.co.uk/worldcup2006/story/0,,1818166,00.html. Hinango noong 29 Agosto 2006. 
  3. Jermaine Craig (3 Hulyo 2006). "Fifa denies SA may lose 2010 World Cup". The Star. http://www.iol.co.za/index.php?click_id=19&art_id=vn20060703014312923C258638&set_id=. Hinango noong 30 Agosto 2006. 
  4. "Beckenbauer issues 2010 warning". BBC Sport. 20 Setyembre 2006. http://news.bbc.co.uk/sport2/hi/football/africa/5362504.stm. Hinango noong 19 Oktubre 2006. 
  5. Sean Yoong (8 Mayo 2007). "FIFA says South Africa 'definitely' will host 2010 World Cup". Associated Press. http://sports.yahoo.com/sow/news;_ylt=Ah.1PkVLAGTpuoi3rG.VSMgmw7YF?slug=ap-fifa-wcup2010&prov=ap&type=lgns. Hinango noong 15 Mayo 2007. 
  6. "Leopard takes World Cup spotlight". BBC Sport. 22 Setyembre 2008. http://news.bbc.co.uk/sport1/hi/football/africa/7630454.stm. Hinango noong 23 Setyembre 2008. 
  7. 7.0 7.1 "Kilalanin si Zakumi, ang mukha ng 2010". IOL. 2008-09-22. http://www.iol.co.za/index.php?from=rss_Sport&set_id=6&click_id=4&art_id=vn20080923060144365C854290. Hinango noong 2008-09-23. 
  8. Kilalanin ang Jabulani: Bolang Panlabanan ng Pandaigdigang Laro ng Sipaan ng Bola 2010, The New York Times, 4 Disyembre 2009.
  9. Me da mucho miedo la pelota, es imprevisible, El País, 19 Disyembre 2009.
  10. "mga lokasyon 2010 sa Google Earth". http://bbs.keyhole.com/ubb/showthreaded.php?Cat=0&Board=EarthSports&Number=944685&fpart=&PHPSESSID=. Hinango noong 11 Hulyo 2007. 

Mga panlabas na kawing[baguhin]