Heograpiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Heógrapíya[1] ang pag-aaral sa kalupaan, katangian, naninirahan, at penomena ng Daigdig.[2] Sa kolokyal nitong kahulugan, tipikal itong tumutukoy sa kinaroroonan ng isang lugar; sa pormal na kahulugan, isa itong malawak na sangay ng agham na naglalayong alamin at maipaliwanag ang Daigdig at kung paano ito humantong sa kasalukuyan nitong mga proseso at hitsura. Bagamat tinutukoy ng heograpiya ang Daigdig, ginagamit rin ang salitang ito upang ilarawan ang ibang mga planeta sa larangan ng agham pamplaneta.[3] Heograpiya ang itinuturing madalas bilang isang "tulay" na nagkokonekta sa likas na agham at agham panlipunan.[4]

Kinekredit sa sinaunang Griyegong heograpo na si Eratostenes ang marami sa mga pundasyon ng pag-aaral sa heograpiya. Si Erastostenes din ang itinuturong nag-imbento sa naturang salita, mula sa salitang Griyego na geographia (Griyego: γεωγραφία),[5] na kalauna'y hiniram ng mga wikang Romanse kabilang na ang wikang Ingles at Espanyol, kung saan nagmula ang modernong salitang Tagalog nito.[1] Gayunpaman, sa mga sulatin ni Claudius Ptolemy unang lumabas ang naturang salita sa pasulat na anyo.[2] Sa kanya nagsimula ang "tradisyon ni Ptolemy" ng larangan, na kinabibilangan ng teorya ng kartograpiya niya.[6] Gayunpaman, maituturo nang mas maaga ang mga konseptong inilatag niya sa heograpiya, lalo na sa kartograpiya; halimbawa nito ang mga unang tangka ng mga taga-Babylon na ilarawan ang kanilang lugar gamit ang isang mapa noong ika-9 na siglo BKP.[7] Bagamat ang kasaysayan ng heograpiya ay nagsimula sa iba't ibang lugar at panahon, nananatili pa rin ang mga pangunahing konsepto sa mga ito, tulad ng pag-alam sa espasyo, lugar, oras, at lawak.

Sa modernong panahon, isang akademikong larangan ang heograpiya na may samu't-saring mga kaparaanan. May mga pagtatangkang igrupo ito, kabilang na ang pagbibigay-kahulugan sa mga sangay nito gayundin sa apat na tradisyon ng heograpiya.

Panimula[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mapang pisikal ng mundo.
Lokasyon
Lugar
Interaksyon
Paggalaw
Rehiyon
Ang limang tema ng heograpiya.

Isang sistematikong pag-aaral sa Daigdig ang heograpiya.[a] Para maituring na bahagi ng pag-aaral, kailangan nito ng "espasyo" na mailalagay sa isang mapa, tulad ng koordinado, pangalan ng lugar, o tirahan. Dahil dito, madalas na itinatambal ang heograpiya sa kartograpiya, lalo na sa kolokyal na pananaw, kahit na hindi ganito ang kaso sa lahat ng oras. Bagamat gumagamit ng mga mapa ang mga heograpo, hindi lang ito ang buong punto ng pag-aaral. Pinag-aaralan din nila ang mga proseso, tampok, at penomena ng Daigdig sa dalawang bahagi: espasyo at panahon.[8] Malawak ang saklaw ng heograpiya, kaya naman isa itong larangang interdisiplinaryo. Ayon kay William Hughes:

Ang mga pangalan ng lugar... ay hindi heograpiya... Hindi masasabing isang heograpo na ang kung sino dahil lamang kabisado at isinapuso niya ang buong gazetteer. Mas mataas pa ang mga hangarin ng heograpiya kesa dito: habol nito na matukoy ang mga penomena (ng kalikasan at ng politika, depende sa kung paano mo itatrato ang pangalawa), na maihambing, na maibuod, na umangat mula sa mga epekto ng mga sanhi, at, sa paggawa sa mga ito, na matunton ang mga batas ng kalikasan at markahan ang mga impluwensiya nito sa tao. Isa itong 'paglalarawan sa mundo'— yon ang heograpiya. Sa isang salita, agham ang heograpiya— isang bagay na hindi lang puro mga pangalan kundi ng mga argumento at dahilan, ng mga sanhi at bunga.[b]

— William Hughes, 1863

Mahahati sa tatlong pangunahing sangay ang heograpiya: pantao, pisikal, at teknikal.[10][11] Nakapokus ang heograpiyang pantao sa mga natayuang lugar (Ingles: built environment) at kung paano ginagawa, tinitingnan, pinamamahalaan, at iniimpluwensiyahan ng mga tao ang espasyo.[11] Sa heograpiyang pisikal naman sinusuri ang kalikasan at paano ang ugnayan sa pagitan ng mga organismo, klima, lupa, tubig, at anyong-lupa.[12] Ang pagkakaiba ng dalawang sangay na ito ang nagbigay-daan upang mabuo ang heograpiyang pinagsama, kung saan pinag-aaralan naman ang interaksyon ng tao sa kapaligiran.[8] Samantala, pag-aaral at pagdedebelop sa mga kagamitan naman ang pokus ng heograpiyang teknikal, kung saan sinusuri ng mga heograpo ang mga kaparaanan upang makakalap ng impormasyon, tulad halimbawa ng kartograpiya at sistemang pang-impormasyong pangheograpiya (GIS).[13]

Mga pangunahing konsepto[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mahirap ang paglalarawan sa heograpiya sa mga pangunahing konsepto nito, at hindi nagkakasundo ang mga heograpo patungkol rito. Halimbawa, tinukoy sa unang edisyon ng isang aklat ang mga sumusunod bilang mga pangunahing konsepto sa heograpiya: espasyo, lugar, panahon, eskala, at tanawin. Sa ikalawang edisyon nito, pinalawak ang mga ito upang isama ang mga sumusunod: mga sistemang pangkapaligiran, mga sistemang panlipunan, kalikasan, globalisasyon, pagdedebelop, at panganib.

Isang paraan din na ginagamit sa pagturo sa larangan ay ang limang tema ng heograpiya, na unang lumabas noong 1984 at madalas gamitin sa mga paaralan sa Estados Unidos. Ayon dito, ang heograpiya ay mailalarawan sa limang bahagi: lokasyon, lugar, relasyon sa kapaligiran, paggalaw, at mga rehiyon.[14][15]

Espasyo[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lugar[baguhin | baguhin ang wikitext]

Panahon[baguhin | baguhin ang wikitext]

Eskala[baguhin | baguhin ang wikitext]

Talababa[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. Sakop din ng pag-aaral ang ibang mga planeta, tulad halimbawa ng Marte, bagamat mas ginagamit ang salita sa pagtukoy sa Daigdig.
  2. orihinal na sipi: Names of places...are not geography...To know by heart a whole gazetteer full of them would not, in itself, constitute anyone a geographer. Geography has higher aims than this: it seeks to classify phenomena (alike of the natural and of the political world, in so far as it treats of the latter), to compare, to generalize, to ascend from effects to causes, and, in doing so, to trace out the laws of nature and to mark their influences upon man. This is 'a description of the world'—that is Geography. In a word, Geography is a Science—a thing not of mere names but of argument and reason, of cause and effect.[9]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. 1.0 1.1 "heograpiya". Diksiyonaryo.ph. Nakuha noong 29 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Dahlman, Carl; Renwick, William (2014). Introduction to Geography: People, Places & Environment [Pagpapakilala sa Heograpiya: Tao, Lugar, at Kapaligiran] (sa wikang Ingles) (6 pat.). Pearson. ISBN 978-0137504510.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Burt, Tim (2009). Key Concepts in Geography: Scale, Resolution, Analysis, and Synthesis in Physical Geography [Mga Pangunahing Konsepto sa Heograpiya: Lawak, Linaw, Pagsusuri, at Sintesis sa Heograpiyang Pisikal] (sa wikang Ingles) (2 pat.). John Wiley & Sons. pp. 85–96. ISBN 978-1-4051-9146-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Sala1); $2
  5. Roller, Duane W. (2010). Eratosthenes' Geography [Heograpiya ni Eratostenes] (sa wikang Ingles). New Jersey, Estados Unidos: Princeton University Press. ISBN 9780691142678.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Brentjes, Sonja (2009). "Cartography in Islamic Societies" [Kartograpiya sa mga Lipunang Islamiko]. International Encyclopedia of Human Geography [Pandaigdigang Ensiklopedya ng Heograpiyang Pantao] (sa wikang Ingles). Elsevier. pp. 414–427. ISBN 978-0-08-044911-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Kurt A. Raaflaub & Richard J. A. Talbert (2009). Geography and Ethnography: Perceptions of the World in Pre-Modern Societies [Heograpiya at Etnograpiya: Mga Persepyon sa Mundo ng mga Premodernong Lipunan] (sa wikang Ingles). John Wiley & Sons. p. 147. ISBN 978-1-4051-9146-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 Hayes-Bohanan, James (29 Setyembre 2009). "What is Environmental Geography, Anyway?" [Ano nga ba ang Heograpiyang Pangkapaligiran?]. webhost.bridgew.edu (sa wikang Ingles). Bridgewater State University. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Oktubre 2006. Nakuha noong 10 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Baker, J.N.L (1963). The History of Geography [Ang Kasaysayan ng Heograpiya] (sa wikang Ingles). Oxford: Basil Blackwell. p. 66. ISBN 978-0-85328-022-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Sala, Maria (2009). Geography [Heograpiya] (sa wikang Ingles). Bol. 1. Oxford, United Kingdom: EOLSS UNESCO. ISBN 978-1-84826-960-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. 11.0 11.1 Hough, Carole; Izdebska, Daria (2016). "Names and Geography" [Mga Pangalan at Heograpiya]. In Gammeltoft, Peder (pat.). The Oxford Handbook of Names and Naming [Ang Handbook ng Oxford ng mga Pangalan at Pagpapangalan] (sa wikang Ingles). Oxford, Reyno Unido: Oxford University Press. ISBN 978-0-19-965643-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Cotterill, Peter D. (1997). "What is geography?" [Ano ang heograpiya?]. AAG Career Guide: Jobs in Geography and related Geographical Sciences (sa wikang Ingles). American Association of Geographers. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 6 Oktubre 2006.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Haidu, Ionel (2016). "What is Technical Geography" [Ano ang Heograpiyang Teknikal] (PDF). Geographia Technica (sa wikang Ingles). 11 (1): 1–5. doi:10.21163/GT_2016.111.01. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 19 Enero 2022.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Natoli, Salvatore J. (1 Enero 1994). "Guidelines for Geographic Education and the Fundamental Themes in Geography" ["Gabay sa Edukasyong Pangheograpiya" at ang mga Pangunahing Tema ng Heograpiya]. Journal of Geography (sa wikang Ingles). 93 (1): 2–6. doi:10.1080/00221349408979676. ISSN 0022-1341.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Buchanan, Lisa Brown; Tschida, Christina M. (2015). "Exploring the five themes of geography using technology" [Paggalugad sa limang tema ng heograpiya gamit ang teknolohiya]. The Ohio Social Studies Review (sa wikang Ingles). 52 (1): 29–39.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Link sa labas[baguhin | baguhin ang wikitext]