Mais

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Maize
Ilustrasyong pambotanik na pinapakita ang mga bulaklak na lalaki at babae
Kabilang ang mga bulaklak na lalaki at babae
Katayuan ng pagpapanatili
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Monocots
Klado: Commelinids
Orden: Poales
Pamilya: Poaceae
Subpamilya: Panicoideae
Sari: Zea
Espesye:
Z. mays
Pangalang binomial
Zea mays

Ang mais (Zea mays) ay isang mataas na matabang damo na nagbubunga ng butil na angkak. Dinomestikado ito ng mga katutubo sa timog Mehiko noong mga 9,000 taon na ang nakalilipas mula sa ligaw na teosinte. Itinanim ito ng mga katutubong Amerikano kasama ang priholes at kalabasa sa polikulturang Tatlong Magkakapatid na Babae. Nagdudulot ang madahong tangkay ng halaman ng mga lalaking pamumukadkad o palawit na nakakalikha ng bulo, at mga babaeng pamumukadkad na tinatawag na tainga. Ang mga tainga ay nagbubunga ng butil, na kilala bilang ubod (o kernel) o buto. Sa modernong komersyal na mga bariyedad, karaniwang ang mga ito na dilaw o puti; maaaring maraming mga kulay ang iba pang mga bariyedad.

Umaasa ang mais sa mga tao para sa pagpaparami nito. Mula sa Palitang Kolumbiyano, ito ang naging pangunahing pagkain sa maraming bahagi ng mundo, na nahigitan ng mais ang kabuuang produksyon ng trigo at bigas. Karamihan ginagamit ang mais para sa pakain sa hayop, maging bilang butil o bilang buong halaman, na maaaring itali o gawing mas malasang ensilahe. Tinatawag na matamis na mais ang mga uri ng mais na mayaman sa asukal na itinatanim para kainin ng tao, habang ginagamit ang mga uri ng mais pambukid bilang pakain sa hayop, para gawin tulad ng giniling na mais (o cornmeal) o masa ng mais, gawgaw na mais, sirup na mais, dinidiin para maging mantika na mais, bilang mga inuming nakalalasing tulad ng wisking bourbon, at bilang mga kemikal na panggatong kabilang ang etanol at iba pang mga biofuel.

Mga pangalan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Hinango ang pangalang mais o maize sa anyong Kastila na maíz ng Taíno na mahis.[2] Ginamit ng botanikong Suweko na si Carl Linnaeus ang karaniwang pangalan ng maize bilang epitetong espesye sa Zea mays.[3] Mas ninanais ang pangalang Maize sa pormal, siyentipiko, at internasyonal na paggamit bilang karaniwang pangalan dahil partikular itong tumutukoy sa isang butil na ito, hindi tulad ng ibang tawag, na may kumplikadong iba't ibang kahulugan na nag-iiba depende sa konteksto at heyograpikong rehiyon.[4] Karamihan sa mga bansa ay pangunahing gumagamit ng terminong maize, at sa Ingles, tinatawag itong corn na pangunahing ginagamit sa Estados Unidos at ilang iba pang mga bansang nagsasalita ng Ingles.[5][6] Sa mga bansang Ingles pangunahing gumagamit ng terminong maize, ang salitang "corn" ay maaaring tumukoy sa anumang pananim na angkak, na nag-iiba depende sa heograpiya na may lokal na pangunahing pagkain,[7] tulad ng trigo sa Inglatera at abena sa Eskosya at Irlandes.[4] Ang paggamit ng corn para sa maize ay nagsimula bilang isang pagpapaikli ng "Indian corn" noong ika-18 dantaon sa Hilagang Amerika.[8] Sa Tagalog, tinatawag itong "mais" na hango sa Kastilang "maiz", at binabaybay ng ganito alinsunod sa ortograpiyang Filipino.

Itinuturing ng mga internasyonal na grupo tulad ng Center for Agriculture at Bioscience International (Sentro para sa Agrikultura at Internasyunal na Biyosiyensa) ang mais na karaniwang pangalan.[9] Ginagamit ang salitang maize ng FAO ng Mga Nagkakaisang Bansa,[10] at sa mga pangalan ng International Maize and Wheat Improvement Center (Sentrong Pandaigdigan sa Pagpapabuti ng Mais at Trigo) ng Mehiko, ang Indian Institute of Maize Research (Institutong Indiyano ng Pananaliksik ng Mais), [11] ang Maize Association of Australia (Asosasyon ng Mais ng Australya),[12] ang National Maize Association of Nigeria (Pambansang Samahan ng Mais ng Nigeria),[13] ang National Maize Association of Ghana (Pambansang Samahan ng Mais ng Ghana),[14] ang Maize Trust of South Africa (Tiwalang Mais ng Timog Aprika),[15] at ang Zimbabwe Seed Maize Association (Asosasyong Punlang Mais ng Zimbabwe).[16]

Istraktura at pisyolohiya[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga bahagi ng halamang mais sa Ingles

Ang mais ay isang mataas damong taunan na may iisang tangkay, mula sa 1.2 metro (4 tal) hanggang 4 metro (13 tal) ang taas.[17] Umusbong ang mahabang makitid na dahon mula sa mga alimpuso o buko, salit-salitan sa magkabilang panig sa tangkay.[17] Monoiko ang mais, na may hiwalay na lalaki at babaeng bulaklak sa iisang halaman.[17] Nasa tuktok ng tangkay ang lambo, isang pamumukadkad ng mga lalaking bulaklak; naglalabas ang kanilang mga anter ng polen, na ikinakalat ng hangin.[17] Tulad ng ibang polen, isa itong alerheno, subalit nahuhulog karamihan sa loob ng ilang metro ng lambo at pangkalahatng limitado ang panganib sa mga manggagawang nasa bukid.[18] Unang nakikita ang babaeng pamumukadkad, doon sa pababa sa tangkay mula sa lambo, bilang isang sutla, isang bigkis ng malambot na buhok na malatubo, isa para sa karpelo sa bawat babaeng bulaklak, na nagiging kernel o butil (madalas na tinatawag na buto. Sa botanika, tulad sa lahat ng damo, isa itong prutas, na pinagsama sa balat ng binhi upang bumuo ng isang kariyopside[19]) kapag nakaroon ng polinisasyon ito.[17] Ang isang buong babaeng pamumukadkad ay nabubuo sa isang tainga o busal ng mais, na nababalot ng maraming madahong patong o mga talukap.[17] Ang dahong tainga ay ang dahon na pinakamalapit na nauugnay sa isang partikular na tumutubong tainga. Nag-aambag ang dahon na ito at ang nasa itaas nito ng mahigit tatlong sangkapat ng karbohidrato (gawgaw) na pumupuno sa butil.[20]

Ang mga butil ay karaniwang dilaw o puti sa mga modernong uri; kabilang sa ibang kulay ng ibang uri ang kahel, pula, kayumanggi, bughaw, lila, o itim na butil. Nakaayos ang mga ito sa 8 hanggang 32 na hanay sa paligid ng busal; maaaring magkaroon ng hanggang 1200 butil sa isang malaking busal.[21] Nakuha ng mais ang kulay dilaw mula sa mga karatenoide; nagkakaroon ng mga pulang mais dahil sa antosiyanina at plobapeno; at nagiging kahel at luntian ang ibang uri dahil maaaring mayroon itong mga kumbinasyon ng mga pigmento na ito.[22]

Pinagmulan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Panlabas na pilohenya[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang henero ng mais na Zea ay medyo malapit na may kaugnayan sa sa sorgo, parehong nasa kladong PACMAD ng mga damo sa Lumang Mundo, at mas malayo sa bigas at trigo, na nasa iba pang pangunahing grupo ng mga damo, ang kladong BOP. Malapit ito na nauugnay sa Tripsacum, na gamagrass o damong gama.[23]

(Bahagi ng Poaceae)
Kladong BOP


iba't ibang damo, hal. fescue, ryegrass




Hordeum (sebada)



Triticum (trigo)





Oryza (bigas)



Kladong PACMAD

Pennisetum (fountaingrasses)




Sorghum (sorgo)




Tripsacum (gamagrass)


Zea

Zea mays (maize o mais)



ibang espesyeng Zea (mga teosinte)








Produksyon[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pinakamalalaking prodyuser ng mais
noong 2020
Bilang sa milyong tonelada
1.  Estados Unidos360.3 (31%)
2.  Tsina260.7 (22.43%)
3.  Brasil104 (8.95%)
4.  Arhentina58.4 (5.02%)
5.  Ukranya30.3 (2.61%)
6.  Indiya30.2 (2.6%)
7.  Mehiko27.4 (2.36%)
8.  Indonesya22.5 (1.94%)
9.  Timog Aprika15.3 (1.32%)
10.  Rusya13.9 (1.2%)

Kabuuan sa mundo1162.4
Pinagmulan: FAOSTAT[24][25]

Ang mais ay malawakang nililinang sa buong mundo, at mas malaking bigat ng mais ang nagagawa bawat taon kaysa sa anumang iba pang butil.[26] Noong 2020, ang kabuuang produksyon ng mundo ay 1.16 bilyong tonelada, pinangunahan ng Estados Unidos na may 31.0% ng kabuuan (tingnan ang talahanayan). Nakakagawa ang Tsina ng 22.4% sa kabuuang pandaigdig.[25]

Mga peste[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maraming mga peste ang nakakaapekto sa paglago ng mais, kabilang ang mga inbertebrado, damo, at pataheno.[27][28]

Madaling kapitan ang mais ng maraming sakit sa halaman dulot ng mikotiko, bakterya, at bayrus. Kabilang sa mga may kahalagang ekonomiko ang mga sakit sa dahon, mga smut tulad ng corn smut (o sakit dulot ng isang uri ng mikotiko o fungus), mga bulok na tainga at mga bulok na tangkay.[29] Winawasak ng northern corn leaf blight (o pagkalanta ng dahon ng mais ng hilaga) ang mais sa buong sakop nito, habang suliranin ang banded leaf and sheath blight (o dahong nakabanda at pagkalanta ng upak) sa Asya.[30][31]

Mga gamit[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mais at cornmeal (giniling na pinatuyong mais) ay bumubuo ng isang pangunahing pagkain sa maraming rehiyon sa mundo.[21] Ginagamit ang mais upang makagawa ng gawgaw na sangkap sa pagkain.[32] Maaring idekomposisyon at lagyan ng ensima ang mais upang makagawa ng sirup ng mais na mataas ang pruktosa, isang pampatamis.[33] Maaring paasimin at gawing dalisay ang mais upang makagawa ng wisking Bourbon.[34] Kinukuha ang mantika ng mais mula sa hermen ng butil.[35]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. Contreras, A.; Ruíz Corral, J. A.; Menjívar, J.; Aragón Cuevas, F.; González Ledesma, M.; Sánchez, J. J. (2019). "Zea mays". The IUCN Red List of Threatened Species 2019: E.T77726273A77726310 (sa wikang Ingles). doi:10.2305/IUCN.UK.2019-2.RLTS.T77726273A77726310.en.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "maize, n. (and adj.)". Oxford English Dictionary (sa wikang Ingles) (3 pat.). Oxford University Press. Setyembre 2005.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (Kailangan ang suskripsyon o maging kasaspi ng publikong aklatan ng UK.)
  3. Ranum, Peter; Peña-Rosas, Juan Pablo; Garcia-Casal, Maria Nieves (Abril 2014). "Global maize production, utilization, and consumption". Annals of the New York Academy of Sciences (sa wikang Ingles). 1312 (1): 105–112. Bibcode:2014NYASA1312..105R. doi:10.1111/nyas.12396. PMID 24650320.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Ensminger, Audrey H. (1994). Foods and Nutrition Encyclopedia, 2nd ed (sa wikang Ingles). CRC Press. p. 479. ISBN 978-0-8493-8980-1. The word "maize" is preferred in international usage because in many countries the term "corn", the name by which the plant is known in the United States, is synonymous with the leading cereal grain; thus, in England "corn" refers to wheat, and in Scotland and Ireland it refers to oats.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. McLellan Plaisted, Susan (2013). "Corn". In Smith, Andrew (pat.). The Oxford Encyclopedia of Food and Drink in America (sa wikang Ingles) (Ikalawa pat.). New York: Oxford University Press. ISBN 978-0199739226. Nakuha noong 15 Pebrero 2023. The use of the word "corn" for what is termed "maize" by most other countries is peculiar to the United States. Europeans who were accustomed to the names "wheat corn", "barley corn", and "rye corn" for other small-seeded cereal grains referred to the unique American grain maize as "Indian corn." The term was shortened to just "corn", which has become the American word for the plant of American genesis.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Espinoza, Mauricio (Abril 1, 2015). "'All Corn Is the Same,' and Other Foolishness about America's King of Crops" (sa wikang Ingles). Ohio State University: College of Food, Agricultural, and Environmental Sciences. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 3, 2020. Nakuha noong 21 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "corn, n.1". Oxford English Dictionary (sa wikang Ingles) (3 pat.). Oxford University Press. Setyembre 2005.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (Kailangan ang suskripsyon o maging kasaspi ng publikong aklatan ng UK.)
  8. Mencken, H. L. (1984). The American language : an inquiry into the development of English in the United States (sa wikang Ingles) (Ika-4 pat.). New York: Alfred A. Knopf. p. 122. ISBN 0394400755. Corn, in orthodox English, means grain for human consumption, especially wheat, e.g., the Corn Laws. The earliest settlers, following this usage, gave the name of Indian corn to what the Spaniards, following the Indians themselves, had called maiz. . . . But gradually the adjective fell off, and by the middle of the Eighteenth Century maize was simply called corn and grains in general were called breadstuffs. Thomas Hutchinson, discoursing to George III in 1774, used corn in this restricted sense speaking of "rye and corn mixed." "What corn?" asked George. "Indian corn," explained Hutchinson, "or as it is called in authors, maize."{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Zea mays (maize)" (sa wikang Ingles). CABI. Nakuha noong 16 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Maize" (sa wikang Ingles). FAO. Nakuha noong 16 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Overview – ICAR-Indian Institute of Maize Research" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2022-10-05. Nakuha noong 2022-09-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Maize Association - Maize Association Australia" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 16 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "The Maize Association of Nigeria honors IITA for supporting the nation's agriculture" (sa wikang Ingles). International Institute of Tropical Agriculture. Nakuha noong 16 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "SARD-SC Maize component supports the launch of the Ghana Maize Association" (sa wikang Ingles). International Institute of Tropical Agriculture. 18 Marso 2016. Nakuha noong 10 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Du Plessis, Leon. "THE MAIZE TRUST: Custodian of the maize industry" (sa wikang Ingles). Grain SA. Nakuha noong 10 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Rusike, Joseph; Donovan, Philip A (1995). "The maize seed industry in Zimbabwe". Development Southern Africa (sa wikang Ingles). 12 (2): 189–196. doi:10.1080/03768359508439804. ISSN 0376-835X.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. 17.0 17.1 17.2 17.3 17.4 17.5 Solaimalai, A.; Anantharaju, P.; Irulandi, S.; Theradimani, M. (2020-05-10). "6. Growth and Development Stages". Maize Crop: Improvement, Production, Protection and Post Harvest Technology (sa wikang Ingles). CRC Press. ISBN 978-1-000-17695-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Oldenburg, Marcus; Petersen, Arnd; Baur, Xaver (2011). "Maize pollen is an important allergen in occupationally exposed workers". Journal of Occupational Medicine and Toxicology (sa wikang Ingles). 6 (1): 32. doi:10.1186/1745-6673-6-32. PMC 3269392. PMID 22165847.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Caryopsis" (sa wikang Ingles). Merriam Webster. Nakuha noong Enero 9, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Before applying fungicides to corn: Stop! Look! Consider!". Integrated Crop Management (sa wikang Ingles). Iowa State University Extension. Nakuha noong 2021-07-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. 21.0 21.1 Davidson, Alan (2014). "Maize". The Oxford Companion to Food (sa wikang Ingles) (Ika-3 pat.). Oxford University Press. pp. 484–486. ISBN 978-0-19-967733-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Chatham, Laura A.; Paulsmeyer, Michael; Juvik, John A. (2019). "Prospects for economical natural colorants: insights from maize". Theoretical and Applied Genetics (sa wikang Ingles). 132 (11): 2927–2946, and Figure 1. doi:10.1007/s00122-019-03414-0. PMID 31451836.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Gaut, Brandon S.; Le Thierry d'Ennequin, Maud; Peek, Andrew S.; Sawkins, Mark C. (2000-06-20). "Maize as a model for the evolution of plant nuclear genomes". Proceedings of the National Academy of Sciences (sa wikang Ingles). 97 (13): 7008–7015. Bibcode:2000PNAS...97.7008G. doi:10.1073/pnas.97.13.7008. PMC 34377. PMID 10860964.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. "Maize production in 2017, Crops/Regions/Production Quantity from pick lists". United Nations, Food and Agriculture Organization, Statistics Division (FAOSTAT). 2018. Nakuha noong 15 Marso 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. 25.0 25.1 "FAOSTAT" (sa wikang Ingles). FAO.
  26. International Grains Council (international organization) (2013). "International Grains Council Market Report 28 November 2013" (PDF) (sa wikang Ingles).{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. "Corn Pests" (sa wikang Ingles). Utah State University. Nakuha noong 11 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. Mueller, Daren; Pope, Rich, mga pat. (2009). Corn Field Guide (PDF) (sa wikang Ingles). Iowa State University Extension. Nakuha noong 11 Enero 2024.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. "Diseases and Disorders of Corn" (sa wikang Ingles). Province of Manitoba - Agriculture. Nakuha noong 11 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. Wise, Kiersten. "Diseasees of Corn: Northern Corn Leaf Blight" (PDF) (sa wikang Ingles). Purdue University. Nakuha noong 11 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. Juroszek, Peter; von Tiedemann, Andreas (2013). "Climatic changes and the potential future importance of maize diseases: a short review". Journal of Plant Diseases and Protection (sa wikang Ingles). 120 (2): 49–56. doi:10.1007/BF03356454. S2CID 87234896.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. "Cornstarch". Merriam-Webster. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-04. Nakuha noong 2016-05-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. European Starch Association (10 Hunyo 2013). "Factsheet on Glucose Fructose Syrups and Isoglucose" (sa wikang Ingles).{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. Kiniry, Laura. "Where Bourbon Really Got Its Name and More Tips on America's Native Spirit". Smithsonian.com. Hunyo 13, 2013. (sa Ingles)
  35. Corn Refiners Association. Corn Oil Naka-arkibo 2019-04-12 sa Wayback Machine. (sa Ingles) Ika-5 edisyon. 2006