Megan Young

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Megan Young
Si Megan Young noong 2014
Kapanganakan
Megan Lynne Young

(1990-02-27) 27 Pebrero 1990 (edad 34)
TrabahoAktress, Host, Modelo, VJ, Youth Ambassador
Aktibong taon2004 – Kasalukuyan
Tangkad1.73 m (5 ft 8 in)
TituloMiss World 2013
AsawaMikael Daez 2020
Beauty pageant titleholder
Major
competition(s)
Miss World Philippines 2013
(Winner)
Miss World 2013
(Winner)

Si Megan Lynne Young-Daez (ipinanganak 27 Pebrero 1990) ay isang Pilipinang aktres, at may hawak ng titulong Miss World 2013 na napanalunan niya noong 28 Setyembre 2013 sa Bali,Indonesia. Siya ang nakatatandang kapatid ni Lauren Young.

Buhay at pag-aaral[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Young sa Alexandria, Virginia sa isang Pilipinang ina na si Victoria Talde at isang Amerikanong ama na si Calvin Cole Young III.[1]

Lumipat ang pamilya ni Young sa Castillejos, Zambales noong siya ay sampung taong gulang. Nakatanggap siya ng sekondaryang edukasyon sa Regional Science High School III sa loob ng Subic Bay Freeport Zone mula 2002 hanggang 2005 bago lumipat sa Kalakhang Maynila upang ituloy ang kanyang karera sa pag-arte. Noong 2011, nagsimula siyang mag-aral ng filmmaking sa De La Salle-College of Saint Benilde.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. Agting, Ira (29 Setyembre 2013). "8 fun facts about Megan Young". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


PilipinasArtista Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.