Merlusa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Para sa ibang gamit, tingnan ang Hake (paglilinaw).

Ang mga merlusa, kilala rin bilang mga hake o mga heyk (Kastila: merluza, literal na "(isdang) tulos ng dagat"; Ingles: hake [bigkas: /heyk/]), ay alinmang mga uri ng isdang pangdagat na kamag-anak ng mga bakalaw o kalaryas. Ilan sa mga ito ang mas pinipiling pagkaing isda. Sa Hilagang Amerika, pinakamahalagang pangkumersiyal sa mga ito ang pulang hake o hakeng iskuwirel. Matatagpuan ang mga merlusa sa ilalim ng dagat na umaabot sa 1,000 mga talampakan.[1]

Paglalarawan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lahat ng mga merlusa ay matalaghay o balingkinitan at may dalawang panlikurang mga palikpik na may malalambot na mga tinik. Karaniwan silang may mapupulang kayumangging kulay. Naitatangi o nakikilala ang merlusa dahil sa kanyang mahabang tinik o "gulugod" na tumutubo mula sa pang-ibabaw na "panglikod" (dorsal) na palikpik na nasa gawing harapan ng isda. Sa pangkalahatan, may timbang na umaabot sa 3 mga libra ang merlusa, at umaabot sa habang 30 mga pulgada.[1]

Mga pamilya[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kabilang sa mga merlusa o hake ang mga isdang nasa:

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. 1.0 1.1 "Hake". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik na H, pahina 318.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.