My Name is Kim Sam Soon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
My Name is Kim Sam Soon
Urikomedya romantika
Pinangungunahan ni/ninaKim Sun-a, Hyun Bin, Jung Ryeo-won, Daniel Henney, Lee A-hyeon, Na Moon-hee, Kim Ja-ok, Seo Ji-hee, Lee Kyu-han, Yeo Woon-kay, Kwon Hae-hyo, Kim Ki-bang, Lee Yoon-mi
Bansang pinagmulanTimog Korea
WikaKoreano
Bilang ng season1
Bilang ng kabanata16
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilanMBC TV
Orihinal na pagsasapahimpapawid1 Hunyo (2005-06-01) –
21 Hulyo 2005 (2005-07-21)
Kronolohiya
Sumunod saSuper Rookie
Sinundan ngOur Attitude to Prepare Parting
Website
Opisyal

Ang My Name is Kim Sam Soon (Koreano내 이름은 김삼순; RRNae ireumeun Kim Sam-soon; internasyunal na kilala bilang My Lovely Sam-soon) ay isang Koreanovela na batay sa nobela sa internet na may kaparehong pamagat na sinulat ni Ji Soo-hyun, na nailathala noong 9 Marso 2004.[1][2][3][4][5] Ipinapakilala ito ng mga gumawa bilang ang Koreanong bersyon ng Bridget Jones's Diary. Pinagbibidahan ito nina Kim Sun Ah (na tumaba ng 15 libra para sa pagganap[6]), Hyun Bin, Jung Ryeo-won at Daniel Henney. Isa makalumang pangalan sa kulturang Koreano ang "Sam-soon" na nanganahulugang "ikatlong anak na babae" (sam (삼) ay ikatlo, soon (순) ay mahinhin o pambabae).

Sumahimpapawid ang serye sa MBC mula Hunyo 1 hanggang 21 Hulyo 2005 tuwing Miyerkules at Huwebes sa ganap na 21:55 na may 16 na kabanata. Sa Pilipinas, unang umere ito sa GMA Network mula Pebrero hanggang Abril 2006, kung saan nakatanggap ng marka o rating sa manonood na 40.2% at may karaniwang marka na 34.9%, na naging isa sa mga matataas na marka sa mga drama sa Asya na umere sa Pilipinas.[7] Muli ito pinalabas sa GMA Network noong 2009 at 2015.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. "김삼순의 에피소드, 대부분 내 경험담" (인터뷰) 소설 <내 이름은 김삼순>의 작가 지수현씨. OhmyNews (sa wikang Koreano). 19 Hunyo 2005. Nakuha noong 14 Hulyo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. '내 이름은 김삼순'이 궁금하다 - 베일에 쌓인 사람: '...김삼순' 원작 소설가 지수현. Woman DongA (sa wikang Koreano). Hulyo 2005. Nakuha noong 14 Hulyo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "All About My Name Is Kim Sam Soon Novelist Ji Soo Hyun". My Korean Corner (sa wikang Ingles). 30 Enero 2013. Nakuha noong 14 Hulyo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "소설 Translation: My Name Is Kim Sam Soon Prologue". My Korean Corner (sa wikang Ingles). 4 Pebrero 2013. Nakuha noong 14 Hulyo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 내 이름은 김삼순. Aladin (sa wikang Koreano). Nakuha noong 14 Hulyo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Kim Sun-a Gains Weight to Win Hearts". The Chosun Ilbo. 20 Hulyo 2005. Hinango noong 29 Mayo 2013.
  7. Santiago, Erwin (29 Mayo 2009). "AGB Mega Manila TV Ratings (May 26-28): Three Kapuso shows occupy top slot in the primetime race". Philippine Entertainment Portal (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 6 Enero 2014. Nakuha noong 20 Agosto 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.