Nazaria Lagos

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Nazaria Lagos
Kapanganakan28 Agosto 1851[1]
  • (Iloilo, Kanlurang Kabisayaan, Pilipinas)
Kamatayan27 Enero 1945[1]
MamamayanPilipinas
Trabahorebolusyonaryo

Si Nazaria Lagos Y Labrillaso[2] (Agosto 28, 1851 – Enero 27, 1945) ay isang nars at naging unang pangulo ng Pulang Krus sa Iloilo, Visayas, Pilipinas kung saan nalikha ito.[3] Tinaguriang Florence Nightingale ng Panay,[4] naging tagapamalaha o direktor siya ng isang ospital pagkatapos hilingin sa kanyang ama na itayo ito, at nagbigay ng tulong sa mga nasugatan sa labanan noong panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano.[5] Partikular, noong Pebrero 1899 sinerbisyuhan niya ang mga sundalong Pilipino na lumaban sa Labanan sa linyang Tacas-Tucud-Sambog-Balantang.[6]

Nagpalago at gumamit siya ng mga halamang-gamot sa panggagamot niya.[7] Kaya naman, ipinangalan sa kanya ang isang hybrid o halo ng gumamela (Hibiscus rosa-sinensis).[8][9] Isa ang gumamelang Nazaria sa Sentenaryong Serye ng UPLB (Unibersidad ng Pilipinas, Los Baños) Hibiscus Hybrid na binubuo ng labing-isang sari-saring uri panghardin na gumamela (Hibiscus) na hinandog sa mga kababaihang Pilipina na nagsilbi noon sa Rebolusyon ng Pilipinas laban sa mga Kastila at Amerikano, na kinabibilangan ni Nazario Lagos.[10]

Siya ang nagtahi ng watawat ng Pilipinas na ibinandila sa liwasan ng bayan ng Dueñas. Tinulugan siya ng kanyang dalawang anak na babae para matahi ito.[11] Naitayo ang watawat na ito noong Hunyo 12, 1899.[3]

Maagang buhay[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Nazaria Lagos sa Baryo Burongan, Dueñas, Iloilo noong Agosto 28, 1851 kina Juan de la Cruz Lagos at Saturnina Labrillaso. Nag-iisang anak lamang siya at galing sa mayamang angkan tulad nina Patrocinio Gamboa at Teresa Magbanua.[2] Noong 12 taon gulang siya, ikinasal siya kay Segundo Lagos, anak ni Don Bartolome, ang tagapagtatag ng Dueñas.[2][3] Nagkaroon sila ng walong anak.

Panggagamot[baguhin | baguhin ang wikitext]

Binukasan ni Nazaria Lagos ang kanilang tahanan sa mga maysakit sa mga Katipunero, at naging pulungan ang kanilang hacienda sa Jaguimit, Iloilo ng mga Katipunero sa Martin Delgado.[12] Binigay niya rin ang sariling gamit para sa rebolusyon.[13] Hiniling niya sa kanyang ama na magtayo ospital at natupad ito. Sa kalaunan, naging tagapamahala o direktor siya nito, at pinalawak pa niya ang kanyang trabaho sa pangangalap ng mga gamit sa ospital at naghanap ng mga tao na papasok sa kilusan.[3]

Sa kabila ng pagkamatay ng dalawang anak dahil sa epidemya ng bulutong, patuloy pa rin siya sa panggagamot.[14] Nang sakupin ng tropang Amerikano ang Iloilo, winasak nila ang tahanan at ospital ni Nazaria. Pagkatapos ng labanan sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano, nagkaroon ng kapayapaan, at nagsimula ang pamilya ni Nazaria ng bagong buhay.[15]

Pagkamatay[baguhin | baguhin ang wikitext]

Namatay si Nazaria Lagos noong Enero 27, 1945 sa gulang na 94.[16] Bulag siya nang namatay siya, at namatay noong panahon na pinapapalis ng Amerikano ang mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pilipinas.[17]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. 1.0 1.1 1.2 Nazaria Lagos, Wikidata Q46995384
  2. 2.0 2.1 2.2 Philippine Journal of Education (sa wikang Ingles). 1997.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 "Amazing Filipino Women Heroes". pvao.gov.ph (sa wikang Ingles).
  4. "Dueñas, NHCP unveil statue of local heroine Nazaria Lagos". Panay News (sa wikang Ingles). 2019-02-16. Nakuha noong 2024-03-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Lagos, Nazaria". CulturEd: Philippine Cultural Education Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-03-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Nazaria Lagos was born in Dueñas, Iloilo on August 28, 1851". The Kahimyang Project (sa wikang Ingles). 2011-08-28. Nakuha noong 2024-03-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Tsjeng, Zing (2023-03-06). Forgotten Women (sa wikang Ingles). Octopus. ISBN 978-1-914240-67-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Boyer, Robert H. (2010). Sundays in Manila (sa wikang Ingles). UP Press. ISBN 978-971-542-630-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Datta, S. K.; Gupta, Youdh Chand (2022-07-05). Floriculture and Ornamental Plants (sa wikang Ingles). Springer Nature. ISBN 978-981-15-3518-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Gumamela 'Nazaria'". uplb.edu.ph (sa wikang Ingles).
  11. Abueva, Jose Veloso (1998). The Making of the Filipino Nation and Republic: From Barangays, Tribes, Sultanates, and Colony (sa wikang Ingles). University of the Philippines Press. ISBN 978-971-542-215-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. LAMENTILLO, ANNA MAE YU (2012-09-06). "'Teresa Magbanua of France' and other new ways of looking at Pinay heroines". GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-03-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Buhnemann, Kristin. "Nazaria Lagos". Florence Nightingale Museum London (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-03-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Nazaria Lagos: The Florence Nightingale Of Panay". Nakuha noong 2024-03-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Gonzales, Bryan (2019-08-28). "Today in PH History | Radyo Todo" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-03-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Zaide, Gregorio F. (1979). The Pageant of Philippine History: From the British invasion to the present (sa wikang Ingles). Philippine Education Company.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Funtecha, Henry Florida; Padilla, Melanie Jalandoni (1999). Historical Landmarks and Monuments of Iloilo (sa wikang Ingles). Toyota Foundation, Incorporated.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)