Pumunta sa nilalaman

Aba Po, Santa Mariang Hari

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Madonna ni Raphael, isang halibawa ng sining tungkol kay Maria

Ang Salve Regina o Aba Po Santa Mariang Hari o Aba Po Santa Mariang Reyna ay isang dasaling Kristiyano. Ito ay isang awitin kay Maria at isa sa apat na antipona ni Maria na inaawit sa ibat ibang panahon sa loob ng kalendaryong liturhikal ng Simbahang Katolika. Ang Salve Regina ay tradisyonal na inaawit tuwing Sabado bago ang Linggo ng Banal na Santatlo hanggang Biyernes bago ang unang Linggo ng Adbiyento. Ang Aba Po Santa Mariang Hari ay ang panghuling dasal ng rosaryo.

Isinulat noong Gitnang Panahon ng monghang Aleman na si Hermann ng Reichenau at orihinal na lumabas sa Latin, ang pinakamalawak na wika sa Kanluraning Kristiyanismo hanggang modernong panahon. Karaniwang inaawit ito sa Latin, ngunit marami nang umiiral na salin nito na malimit na ginagamit bilang binibigkas na dasalin.

Balangkas ng panitik

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ito ang nilalaman ng dasal:[1]

Aba po, Santa Mariang Harì, Iná ng Awà,
ikaw ang kabuhayan at katamisan;
aba, pinananaligan ka namin.
Ikaw ang tinatawag namin,
pinapanaw ng taong anak ni Eba.
Ikaw rin ang pinagbúbuntuhang-hiningá namin
ng aming pagtangis dito sa lupang bayang kahapis-hapis.

Ay! Abá pintakasi ka namin,
ilingón mo sa amin ang mga matá mong maawaín,
at saká kung matapos yaríng pagpanaw sa amin,
ipakità mo sa amin ang iyóng Anak na si Hesús.
Santa María, Iná ng Diyos,
maawaín at maalám at matamís na Birhen.

V. Ipanalangin mo kami, O santang Ina ng Diyos.

R. Nang kami'y makinabang sa mga pangako ni Jesu-cristong aming Panginoon.


Manalangin tayo.

Panginoon, pagkalooban Mo kami ng kalusugan sa aming katawan at kalooban

pakundangan sa pagdalangin ng Mahal na Birheng Maria

ay mahango kami sa hapis sa kasalukuyan

at makinabang sa walang-maliw na kaligayahan;

alang-alang kay Cristong aming Panginoon.


R. Amen.


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Pananampalataya Ang lathalaing ito na tungkol sa Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.