Abucay, Bataan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Bayan ng Abucay
—  Bayan  —
Mapa ng Bataan na nagpapakita sa lokasyon ng Abucay.
Bansa Pilipinas
Rehiyon Gitnang Luzon (Rehiyong III)
Lalawigan Bataan
Distrito Ika-1 Distrito ng Bataan
Mga barangay 9
Laki
 • Kabuuan 79.72 km2 (30.78 sq mi)
Populasyon (2010)
 • Kabuuan 38,554
Kaurian ng kita Ika-3 na Klase
PSGC 030801000
Para sa ibang gamit, tingnan ang Abucay (paglilinaw).

Ang Bayan ng Abucay ay isang ika-4 na klaseng bayan sa lalawigan ng Bataan, Pilipinas. Ayon sa senso noong 2000, ito ay may populasyon na 31,801 katao sa 6,593 na kabahayan. Dito matatagpuan ang natural na talon ng Pasukulan at ang kilalang Bukal ng Sibul.

Sa hilaga ng Abucay matatagpuan ang Barangay ng Mabatang, and pinakamaunlad na barangay sa Abucay. Nakapaligid naman sa gitnang bahagi ng Abucay ang Calaylayan sa hilaga, Wawa at Omboy sa Silangan at Gabon at Laon sa Kanluran. Sa timog bahagi ng bayan matatagpuan ang Capitangan.

Pangingisda at pagsasaka ang pangunahing industriya sa Abucay. Nasa barangay ng Wawa ang pangkalakalan (commercial) na bahagi ng Abucay kung saan karamihan ng mga tindahan at palengke ay matatagpuan. Wawa lati ang dulo ng Barangay Wawa kung saan karamihan ng mga mangingisda ay lumulusong sa tubigan o dumadako sa laot ng Look ng Maynila para mangisda.

Sa Barangay Mabatang matatagpuan ang pinakamatitiyaga at pinakamahusay na Abukeňos. Dito matatagpuan ang mga produktong gawa sa kamay tulad ng mga bag yari sa abaka, pamaypay, walis at marami pang iba.

Mga Barangay[baguhin]

Ang bayan ng Abucay ay nahahati sa 9 na mga barangay.

  • Bangkal
  • Calaylayan (Pob.)
  • Capitangan
  • Gabon
  • Kabukiran
  • Laon (Pob.)
  • Mabatang
  • Omboy
  • Salian
  • Wawa (Pob.)

Mga Kawing Panlabas[baguhin]