Ad hominem

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Tingnan rin ang Listahan ng mga pariralang Latin.

Ang argumentong ad hominem, mas kilala sa tawag na argumentum ad hominem na may pakahulugan sa latin na “argumento laban sa tao” (Ingles: “argument to the man”), ay isang logical fallacy na nagtataglay ng katangian katulad ng pagatake sa personalidad ng nagbibigay ng argumento kaysa sa mismong argumento.

Ang ad hominem bilang kamalian[baguhin]

Ang maling akala o kamaliang ito ay maaring gumamit ng ganitong kasimpleng porma:

Ayon kay Juan ang kuwan ay ganito;
gayumpaman si Juan ay isang magnanakaw,
samakatuwid ang sinasabi niyang ukol sa kuwan ay kasinungalingan.

Hindi ibig sabihin na kung magnanakaw si Juan, ay isa na rin siyang sinungaling, at kung magkagayon, maaring ang kaniyang sinasabi hinggil sa “kuwan” ay may katotohanan.
Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.