Aguhon (sa pagguhit)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Mga uri ng aguhon o kumpas. Isang beam compass o pahalang na kumpas o aguhong palangka ang nasa kaliwa; nasa kanan ang isang regular compass o pangkaraniwang aguhon.
Para sa ibang gamit, tingnan ang Aguhon (paglilinaw).

Ang aguhon[1] o kumpas[1] ay isang kasangkapan o instrumentong panligid[2] na ginagamit sa pagguhit ng mga bilog o mga kalahating bilog (arko), katulad ng sa arkitektura o pagpipinta. Mayroong mekanikal na aguhon, pangkaraniwang aguhon o normal na kumpas, at panghating aguhon. May mekanikal na lapis ang aguhong mekanikal, habang mayroon namang kabitan o ipitan ng lapis o bala ng lapis ang karaniwang aguhon na mababago o maiaakma ang haba. Samantala, may dalawa namang matutulis na dulo ang pandrowing din na panghating kumpas na ginagamit sa pagtatanda o pagmamarka ng mga layo at haba, habang gumagamit ng mga teyorem ng heometriya.

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L.. "Compass, aguhon, kumpas, instrumentong pangguhit ng bilog". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Blake, Matthew. (2008). "Aguhon (sa pagguhit)". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.



ArkitekturaSiningMatematika Ang lathalaing ito na tungkol sa Arkitektura, Sining at Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.