Alexander Graham Bell

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Alexander Graham Bell

Larawan ni Alexander Graham Bell c. 1914 - 1919
Kapanganakan 3 Marso 1847
Edinburgh, Scotland, Nagkakaisang Kaharian
Kamatayan 2 Agosto 1922 (edad 75)
Beinn Bhreagh, Nova Scotia, Kanada
Sanhi ng kamatayan Diabetes
Pag-aaral University of Edinburgh
University College London
Hanapbuhay Imbentor, Siyentipiko, Inhinyero, Dalubhasa (Pamantasan ng Boston), Guro ng mga Bingi
Kilala dahil sa Pag-imbento ng telepono
Asawa Mabel Hubbard
(kasal 1877–1922)
Anak (4) Dalawang anak na lalaki ang namatay noong sanggol pa at dalawang anak na babae
Mga magulang Alexander Melville Bell[1]
Eliza Grace Symonds Bell
Mga kamag-anak

Gardiner Greene Hubbard (Biyenan)
Gilbert Hovey Grosvenor (Manugang)
Melville Bell Grosvenor

(Apo)
Lagda

Si Alexander Graham Bell (3 Marso 1847 – 2 Agosto 1922) ay isang siyentipiko at imbentor. Ipinanganak at lumaki siya sa Scotland. Lumipat siya sa Canada noong 1870,[1] at noong sumunod na taon ay lumipat naman sa Estados Unidos. Kilala si Bell sa paggawa at pagpapatente ng telepono ngunit marami rin ang gumawa ng iba pang mga uri ng telepono, na bukod pa sa kaniyang uri. Maliban sa kaniyang trabaho sa telekomunikasyon, responsable rin siya sa pagpapaunlad ng teknolohiyang panghimpapawid at iyong may kaugnayan sa hydrofoil.

Talambuhay[baguhin]

Ipinanganak si Bell sa Edinburgh noong 3 Marso 1847. Siya ang panggitna sa tatlong magkakapatid na pawang mga lalaki. Ang kaniyang mga kapatid ay namatay dahil sa tuberkulosis. Ang mga magulang niya ay sina Propesor Alexander Melville Bell at si Eliza Grace Symonds Bell. Sa edad na labing-isa, isinama niya sa kaniyang pangalan ang Graham, dahil sa paghanga niya sa isang kaibigan ng pamilya na ang pangalan ay Alexander Graham. Kilala si Bell sa palayaw na "tatay ng mga bingi". Ang ina at ang asawa ni Bell ay kapwa mga bingi, kaya ninais niyang mawala ang kabingihang namamana.

Talasanggunian[baguhin]



TalambuhayAghamKomunikasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Agham at Komunikasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.