Alfred Wegener

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Si Alfred Wegener, noong humigit-kumulang sa 1925.

Si Alfred Lothar Wegener (1 Nobyembre 1880 – Nobyembre 1930) ay isang Alemang mananaliksik ng polo, geopisiko, at meteorologo. Noong panahon ng kaniyang buhay, pangunahin siyang nakikilala dahil sa kaniyang mga nagawa para sa larangan ng meteorolohiya at bilang isang tagapagsimula ng pananaliksik sa polo, subalit sa kasalukuyan siya ay pinaka naaalala dahil sa pagpapasulong ng teoriya ng pag-anod ng lupalop (continental drift sa Ingles, Kontinentalverschiebung sa Aleman) noong 1912, na nagpapalagay na ang mga lupalop (kontinente) ay mabagal na umaanod sa paligid ng daigdig. Ang kaniyang hipotesis ay kontrobersiyal at hindi malawakang tinanggap hanggang sa pagsapit ng dekada ng 1950, nang maraming mga pagkakatuklas na katulad ng paleomagnetismo na nagbigay ng matibay na suporta para sa pag-anod ng kontinente, at sa kung gayon ay naging isang matibay na batayan para sa pangkasalukuyang modelo para sa mga tektoniks ng plato.[1][2] Naging sangkot si Wegener sa ilang mga ekspedisyon sa Lupang-lunti (Greenland) upang pag-aralan ang sirkulasyon ng hangin sa polo bago pa man naging katanggap-tanggap ang pag-iral ng daloy ng sagitsit. Ang mga kalahok sa ekspedisyon ay nakagawa ng maraming mga pagmamasid na pangmeteorolohiya at nakapagsagawa ng pinaka unang pagpapalipas ng taglamig sa panloob na lupaing pilas ng yelo sa Lupang-lunti, pati na ang pinaka unang pagbutas ng kaibuturan ng yelo na nasa ibabaw ng isang gumagalaw na bundok ng yelo (namuong tubig o glacier) sa Arktiko.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Spaulding, Nancy E.; Namowitz, Samuel N. (2005). Earth Science. Boston: McDougal Littell. ISBN 0-618-11550-1. 
  2. McIntyre, Michael; Eilers, H. Peter; Mairs, John (1991). Physical geography. New York: Wiley. p. 273. ISBN 0-471-62017-3. 

Mga kawing na panlabas[baguhin]



TalambuhayAghamAlemanya Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Agham at Alemanya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.