Araling etniko

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang araling pang-etnisidad o araling etniko (Ingles: ethnic studies) ay isang pag-aaral na interdisiplinaryo sa mga tao na rasyalisado ("nagkaroon ng mapagkakakilanlang lahi") sa mundo na may kaugnayan sa etnisidad. Umunlad ito noong ikalawang hati ng ika-20 daantaon bilang bahaging pagtugon sa mga pagsasakdal na ang mga disiplinang katulad ng antropolohiya, kasaysayan, Ingles, etnolohiya, araling pang-Asya, at orientalismo ay tigmak ng likas na pananaw na eurosentriko (nakatuon lamang sa Europa. Nilikha ang araling etniko upang maituro ang mga kuwento, mga kasaysayan, mga pagpupunyagi, at mga pananagumpay ng mga tao na may kulay ayon sa kanilang sariling mga patakaran.


Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.