Ariel Sharon

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Matagal nanungkulan sa Israel Defense Forces si Ariel Sharon bago mahalal na ika-11 punong ministro ng Israel noong Marso 2001.

Si Ariel “Arik” Sharon (Ebreo: אריאל ”אריק“ שרון) (Pebrero 26, 1928–Enero 11, 2014)[1] ay isang matagal nang nanunungkulang pinunong pampolitika at militar na Israeli. Ipinanganak siya noong Pebrero 26, 1928 bilang Ariel Scheinermann (Ebreo: אריאל שיינרמן) sa Kfar Malal sa Mandatong British ng Palestina. Siya ang pangkasalukuyang punong ministro ng Israel simula Marso 2001, ang ika-11 tagahawak ng posisyong yon. Simula Enero 4, 2006, ay nawalan siya ng kakayahang manungkulin dulot sa mga epekto ng isang malubhang istrok.

Isang kontroversyal na tauhan si Sharon, sa loob o sa labas man ng Israel, umaakit ng sari’t sari at madalas mga polar na pananaw. Itinuturing siya ng maraming Israeli at ng mga tagasuporta ng Israel bilang isang matatag na pinunong lumalaban sa terorismo at tumatanggol sa Tsiyonismo habang tinuturing naman siya ng maraming Arabo—dulot na rin ng pampopropaganda ng kanilang mga sariling diktatoryal na pamahalaan—bilang isang war criminal o salaring pandigmaan. Pananaw naman ng kaniyang mga kalaban sa loob ng Israel na labis niyang pinagbibigyan ang pamumunong Palestino at di-kailangang ipinamimigay ang lupang ipinanalo ng Israel sa kanilang defensive wars o mga digmaan ng pagtatanggol sa sarili kapalit ng isang pangako ng kapayapaan na ayon sa kanila ay ilusori at imposibleng makamit.

Si Sharon ang tagapagtatag at kasalukuyang kapwa-pinuno kasama ni Ehud Olmert ng partidong gitnang Kadima.

Sanggunian[baguhin]

Mga panlabas na kawing[baguhin]


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.