Asterix

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Asterix

300px
Wangis ni Asterix.

Tagapaglathala Dargaud (Pransiya)
Unang labas Pilote #1 (29 Oktubre 1959)
Nilikha ni René Goscinny at Albert Uderzo
Mga katangian
Pangalawang sarili Astérix (Pranses)
Kinaaanibang
pangkat
Ang maliit na bayan ng mga Gaul.
Kakayahan Pambihirang kapangyarihan makaraang uminom ng isang likidong tinimpla ng druid na si Getafix.
Si Albert Uderzo, ang lumikha sa mga nakaguhit na wangis ni Asterix.

Si Asterix ay isang karakter sa komiks sa Pransiya, na nilikha nina René Goscinny (mga wika) at Albert Uderzo (mga larawan). Namatay si Goscinny noong 1977 at nagpatuloy si Uderzo sa pagguhit at pagsulat ng mga serye. Isang Gaul ang pangunahing tauhan, isang miyembro ng tribong Celtic na nanirahan sa Pransiya maraming taon na ang nakararaan. Nananahan siya sa isang maliit na bayan sa Gaul (Matandang Pransiya) sa kapanahunan ni Julius Caesar. Di-katulad sa kalahatan ng Gaul, hindi nasakop ng mga Romano ang bayang ito, dahil umiinom ang mga mamamayan ng bayan ng isang pambihirang inumin na tinitimpla ng isang druid. Maraming mga naging pakikipagsapalaran si Asterix kasama ang kaniyang kaibigang si Obelix. Naging mga pelikula at larong pam-video ang mga kuwento. Nagkaroon din ng isang liwasang panlibangan.

Isang serye ang The Adventures of Asterix [Ang mga Pakikipagsapalaran ni Asterix] (Pranses: Astérix o Astérix le Gaulois [Si Asterix, ang Gaul]) ng mga pakikibaka ng isang bayan ng mga Gaul laban sa paglusob ng mga Romano. Nagbibigay ng pambihirang lakas sa isang tao ang likidong niluluto ni Getafix. Karaniwang ginagamit ang inumin para mabigyan ng nakakatawang epekto ang komiks, katulad ng isang paulit-ulit na eksena kung saan nagmumula ang mga taong-bayan mula sa kanilang bayan para labanan ang mga lumulusob na mga Romano, na madali at walang pagod nilang nagagawa kung kaya't itinuturing nila ang pakikipaglaban bilang isang larong pampalakasan at libangan lamang. Sa maraming pagkakataon, naging sanhi ang patuloy na pakikibakang ito sa paglalakbay ng mga pangunahing tauhan sa maraming mga bansa sa Europa, maging sa Britanya, Ehipto, Amerika, Indiya at iba pang mga pook sa Europa, na nakalahad sa iba-ibang mga aklat, habang sa loob naman ng bayan nila o sa paligid lamang nito ang iba pang mga pangyayari.

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Talababa