Atimonan, Quezon

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Bayan ng Atimonan
—  Bayan  —

Sagisag
Mapa ng Quezon na nagpapakita sa lokasyon ng Atimonan.
Atimonan, Quezon is located in Philippines
Bayan ng Atimonan
Lokasyon sa Pilipinas
Coordinates: 14°N 121°E / 14°N 121°E / 14; 121
Bansa Pilipinas
Rehiyon CALABARZON (Region IV-A)
Lalawigan Quezon
Distrito Ika-4 na Distrito ng Quezon
Mga barangay 42
Pagkatatag Pebrero 4, 1608
Pamahalaan
 • Punong-bayan Jose F. Mendoza
Laki
 • Kabuuan 160.3 km2 (61.9 sq mi)
Populasyon (2010)
 • Kabuuan 59,157
Zip Code 4331
Kaurian ng kita Ika-1 Klase; bahagyang urban
PSGC 045603000
Websayt www.atimonan.gov.ph www.atimonan-quezon.com

Ang Bayan ng Atimonan ay isang ika-1 klaseng bayan sa lalawigan ng Quezon, Pilipinas. Naghahanggan ang bayan sa mga munisipalidad ng Gumaca, Plaridel, Pagbilao at ng Padre Burgos. Ayon sa senso noong 2000, may populasyon na 56,716 ang bayan.

Isang makasaysayang lugar ang bayan na itinayo pa noong panahong kolonyal ng mga Kastila. Maraming mga masaysayang mga lugar sa bayan tulad ng simbahang bayan, ang daang Balagtas, at ang watchtower ng Iskong Bantay, sa daang kapangalan din ng watchtower, na pangunahing ginamit noong panahong Kastila para mapag-handaan ang mga paglusob ng mga piratang muslim.

Mamamayan at Kultura[baguhin]

Atimonanin (atimonean) ang tawag sa mga naninirahan sa Atimonan. Tagalog ang pangunahing wika, at maraming lokal na ekspresyon. Kadalasang nauunawaan ng mga Manilenyo ang Atimonang Tagalog, ngunit may kakaunting pagkakaiba. Karamihan sa mga Atimonanin ay may lahing Intsik o kaya'y Kastila. Ang ibang Atimonanin naman ay nakakapagsalita ng Bicolano, Lan-nang, o kaya'y Espanyol.

Pinakamalaking relihiyon ang Romano Katoliko sa Atimonan, may mga grupo o sekta din gaya ng Iglesia ni Cristo, Latter Day Saints at Born Again Christians. Ang Atimonan ay malalim na kaugat sa rural na buhay pangingisda.

Ekonomiya[baguhin]

Nakabase ang ekonomiya ng Atimonana sa pangingisda at agrikultura. Marami rin ang nagiging marino. Bahagi ang bayan sa programang Tourism Highway ng Kagawaran ng Turismo.

Mga Barangay[baguhin]

Ang bayan ng Atimonan ay nahahati sa 42 barangay.

  • Angeles
  • Balubad
  • Balugohin
  • Barangay Zone 1 (Pob.)
  • Barangay Zone 2 (Pob.)
  • Barangay Zone 3 (Pob.)
  • Barangay Zone 4 (Pob.)
  • Buhangin
  • Caridad Ibaba
  • Caridad Ilaya
  • Habingan
  • Inaclagan
  • Inalig
  • Kilait
  • Kulawit
  • Lakip
  • Lubi
  • Lumutan
  • Magsaysay
  • Malinao Ibaba
  • Malinao Ilaya
  • Malusak
  • Manggalayan Bundok
  • Manggalayan Labak
  • Matanag
  • Montes Balaon
  • Montes Kallagan
  • Ponon
  • Rizal
  • San Andres Bundok
  • San Andres Labak
  • San Isidro
  • San Jose Balatok
  • San Rafael
  • Santa Catalina
  • Sapaan
  • Sokol
  • Tagbakin
  • Talaba
  • Tinandog
  • Villa Ibaba
  • Villa Ilaya

Mga Tanawin[baguhin]

Kawing Panlabas[baguhin]